9

12.5K 231 6
                                    

Summer

Napalabi ako nang makitang nakayakap ako kay Zrage. Mabilis akong bumangon at sinagot ang telepono na nasa sala.

"Zrage"

"Go-good morning po, ako po 'to tito" Nauutal kong bati sa kanya. Natahimik bigla ng ilang segundo ang kabilang linya bago siya sumagot at batiin din ako.

"Tulog pa po siya. Gusto niyo po bang gisingin ko?"

"Ay nako iha, wag na. Naabala ba kita sa pagtulog?"

"Hindi naman po"

"Tumawag lang naman kasi ako para sabihin kay Zrage na ingatan ka" bahagya akong napatawa sa sinabi ni tito

"Tito naman, malaki na po ako. Salamat po sa pag-aalala"

"Anak?"

"Bakit po?"

"Hindi ko pa pala nasabi sa 'yo na sa'min iyang resort. At 'yang cottage na binigay ko sayo ay kay Zrage. Hindi ka ba naman niya pinaalis?" Muntik ng mahulog ang telepono sa narinig ko mula kay tito

"Hi-hindi naman po. Salamat po pala sa pag-asikaso para sa bakasyon na 'to"

"Wala yun iha, alam mo naman basta ikaw. Pakisabi na lang kay Zrage na tatawagan ko siya mamaya baka kasi lumakad ng di dala ang cellphone. Bye, enjoy kayo diyan"

"Sige po. Bye" sagot ko atsaka binaba ang telepono

Sinilip ko ang kwarto at nakita ang nakatihayang si Zrage. Kumulo bigla ang tiyan ko kaya napatingin ako sa orasan. Pasado alas dose na. Ininit ko na lang ang natirang ulam kagabi pati na rin ang kanin bago kumain. Mukhang di naman siya kumain dito kagabi dahil hindi man lang nabawasan ang pagkain.

Tinirhan ko pa rin siya ng pagkain bago niligpit ang pinagkainan at pumasok uli sa kwarto para maligo. Nandito ang bathroom at dito lang pwede maligo dahil ang cr naman ang nasa may kusina. Iniba ang pagkakagawa.

Hindi ko aakalaing resort pala 'to nila. Alam ko lang may mga hotel sila at technology at business company. Kaya pala galit siya sakin nang makita ako na nandito. Pero ano naman kayang ginagawa niya dito?

Sinuot ko naman ang nighties ko dahil wala na akong damit. Yung sinuot ko kahapon ay ngayon ko lang inilagay sa laundry.

Napahinto ako nang makitang gising na siya at sakto namang nagtama ang mga mata namin. Umiwas agad ako ng tingin bago pumunta sa kabilang gilid ng kama para ayusin 'to.

"Tumawag pala si tito kanina. Tatawagan ka daw niya mamaya. May nilu-" pag-angat ko ng tingin wala na siya. Napabuntong-hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagtupi ng comforter.

Lumabas naman ako sa kwarto at nakita siya sa may kusina, kumukuha ng maiinom.

"Labas mu-"

"Alam mo ba kung ba't ka nandito?" Natigil ako sa pagbukas ng pinto sa sinabi niya

"Pinagbakasyon ako ni tito"

"Then why are you still saying those words? And may I remind you that" lumakad siya palapit sakin habang hawak-hawak ang baso niya

"Dahil sayo, napunta ako dito. Alam mo ba ang ibig kong sabihin? Gusto nila tayong magkasundo and fuck all those shits!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatingin sa kaliwang kamay niya na nakakuyom

"Sige una na 'ko" sabi ko na lang sa kanya at tuluyan na ngang binuksan ang pintuan saka ito sinara.

Gusto kong maligo sa dagat pero hindi naman ako marunong kaya nagkasya lang ako sa pagbasa ng paa ko sa mababaw na parte ng dagat. Napapangiwi din ako sa tuwing may tumitingin sakin. Hindi talaga ako sanay, nung bata pa siguro ako sumusuot ako ng mga swimwear pero simula nung magdalaga ako bihira na akong magsuot hanggang sa hindi na nga nagsuot ng mga swimwear pati na mga dress na walang mga manggas. Naulit lang ngayon at kailangan ko ulit na masanay.

My Brother Is My HusbandOnde histórias criam vida. Descubra agora