43

6.9K 186 73
                                    

Summer

Bumalik ako sa pagpipinta sa tuwing walang ginagawa. Kung minsan ay ginuguhit ko ang anak ko habang naglalaro siya. Kinuha ko ang sketch pad kong dinala sa kompanya at tiningnan uli ang iginuhit ko.

Ngayon ay hinahayaan ko si Fall na paglaruan ang lapis ko. Pati sa mga hilig ay kuhang-kuha rin sa'kin. Umiiyak siya habang nagguguhit ako kaya naman nang kinuha ko siya sa stroller niya ay mabilis na nawala ang iyak niya at napalitan 'to ng ngiti

"Summy! We're here!" Napakunot ang noo ko at kinuha kay Fall ang lapis bago pumunta sa loob

"Saan ka ba galing? Kanina pa kami nandito, kailangan ko pang sumigaw" sabi ni Hannah bago hinawi ang buhok na nasa mukha niya at inilagay sa likod. Nahirapan siyang gawin dahil karga-karga niya ang anak nila kaya tinulungan siya ni Zrage.

Napatingin ako sa anak kong nakatingin rin sa kanila at hinalikan ang bunbunan niya

"Ayaw mo bang sumama sa'min?"

"Saan?"

"Kahit saan. Napag-isipan ko kasing ang tagal na nating hindi nagkita and Zrage finally told you that we're a thing now"

"We're going to the park" Napatingin ako kay Zrage

"Are you painting?" Dagdag niya pa

"Your dress has stain"

"Ah oo. Nag-p-paint ako sa labas"

"Okay, so sasama ka sa'min o hindi?" Sambit ni Hannah

Tiningnan ko si Fall na nilalaro ang teddy bear niya

"Sige"

"I will get him dress" sabi ni Zrage bago kinuha si Fall sa'kin.

"You'll get him dress right? And his dress' are upstairs, sasama ako" Napatingin ako kay Hannah sa sinabi niya

"Ako na lang ang kukuha ng damit niya. Kuya, pakikuha na lang ng stroller ni Fall sa may garden"

"That sounds good" kibit-balikat na sambit ni Hannah

"Ay ang gwapo-gwapo naman ng batang ito iha"

"Salamat po"

"Minsan ka na lang namin nakikitang lumalabas, namiss ko na ang tumakbo kasama ka" natatawang sabi ni Mrs. Veja

"May ginagawa rin po kasi"

"Kasama mo pala ang kapatid mo" sabay tingin niya kina Zrage at Hannah sa may di kalayuan

Wala silang alam sa mga nangyayari sa'min na mas madali lang. Ang akala nila ay ang ama ng anak ko ay si Dew dahil nakikita nilang palaging pumupunta sa bahay. Hindi rin naman sila matanong at ang babait din nila.

"O siya, mauuna na ako at may pupuntahan pa kami"

Tumango ako sa kanya at tiningnan si Fall. Kinuha ko siya sa stroller at pinatayo sa hita ko bago inilagay sa duyan na nasa tapat lang namin. May unan akong inilalagay sa stroller niya kaya ginamit ko na rin para isuporta sa kanya

"Gustong-gusto mo 'to ha"

Nakangiti kong sabi sa kanya. Pagkatapos ay pumunta kami sa may playhouse na nasa gitna ng park dito sa subdivision. Malaki ang playhouse at pwede na siyang gawing bahay. May mga block bawat edad at may para rin sa mga infants.

My Brother Is My HusbandWhere stories live. Discover now