33

8.6K 176 66
                                    

Hi po, paki-play po ng music sa scene kung saan kumakanta si jddjdkdk HAHA. Nasa inyo na rin po kung gusto nitong iplay habang kumakanta siya. Salamat po.


Summer

Tiningnan ko lang ang envelope na ilapag niya sa lamesa. Ito na ang hinihintay ko, pagkatapos na pagkatapos nito wala na talaga. Totoong malaya na kami sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang tibok ng puso ko habang unti-unti kong binuksan ang envelope hanggang sa makita ang isang papel na naglalaman ng maraming sulat. Parang gusto kong umalis at hindi na tuluyang tingnan ang papel pero ito ang gusto ko, ito ang ginusto ko.

Nakagat ko ang labi nang makita ang pangalan niyang may pirma sa taas. Napangiti ako ng tipid, hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman ko ngayon, masaya na malungkot. Ito ba talaga dapat ang mararamdaman ko ngayon? Mabilis kong iwinaksi ang nararamdaman ko ngayon at binalik ang tingin sa kanya

"You're now officially free Ms. Del Reyes and Mr. Gopez" nakangiting sambit nang abogado niya na sinuklian ko rin naman ng tipid na ngiti

"Aalis na po ako" sabi ko sa kanila bago lumabas sa opisina ni kuya

Gabi na at wala na ang mga empleyado na ipinagpapasalamat ko. Tinawagan niya ako sa cellphone na binigay niya at pinakuha kay kuyang palagi niyang inuutusan ipagdrive ako.

Bago pa bumukas ang elevator ay ramdam ko ang pagtabi ng abogado ni kuya sa'kin.

"You're brave" Napatingin ako sa kanya at tipid siyang nginitian

"Matagal na kayong kasal ngayon mo lang naisip. Kung ako sa'yo matagal ko nang hiniwalayan ang pinsan kong 'yun" napangisi ako sa sinabi niya at pinauna niyang pinapasok sa kakabukas lang na elevator bago siya sumunod

Si Spade ang abogado niya, ang pinsan niyang napunta rati sa opisina niya na muntik nang madamay sa inis ko kay kuya rati. Hindi ko aakalaing siya pala ang abogado niya at ang pinahawak nina nanay sa annulment namin.

"Technically, sina tita at tito ang kasal at kayong dalawa hindi naman talaga kayo magkapatid dahil hindi naman iniba ni Tito ang apelido mo, but yeah you two are still related to each other because of your parents."

"Nga pala, bumagay sa'yo ang pagbubuntis mo" dagdag niya pa

"Salamat" mahina kong sagot sa kanya

"Kay pinsan ba 'yan?" Napatingin ako sa tanong niya

"Dalawa pala ang pinsan ko, so kanino? Bali-"

"Hindi ko po aakalaing abogado ka pala" pag-iiba ko sa usapan

"Hindi halata no?"

"Hindi"

"Ikaw? Wala ka bang nararamdam para sa kanya? Ilang taon rin kayong nagsama" taas-baba ang kilay na sambit niya

"Bakit po ganyan mga tanong niyo?"

"Pumasok lang sa isip ko bigla"

Pinagpapasalamat ko talaga at huminto na ang elevator sa ground floor. Mabilis akong lumabas at hinarap siya

"Sige, una na po ako"

Pero bago pa ako makahakbang at napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.

"Sabay na tayo. May gustong kumausap sa'yo"

Napakunot ang noo ko nang marahan niya akong hinigit. Sumakay naman ako sa sasakyan niya nang huminto ito sa harap nang building at binigay ng valet ang susi sa kanya. Napasapo ko na lang ang noo ko dahil sa ginawa kong pagsama sa kanya.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon