3

15.2K 266 6
                                    

Summer

"I said you should fucking wait me! Is it hard to understand?! Bullshit!"

Gusto kong takpan ang tenga ko sa sinabi ni kuya. Nakakabingi masyado ang away nila. Naiiling na nilapampasan ko na lang sila.

"Don't fucking move, stay! We're not done yet"

Huminto ako sa kinatatayuan ko at napalingon sa kanya. Tumalikod agad ako nang makitang hinalikan niya si Gwen, ang girlfriend niya. Mabilis kong tinahak ang hagdanan.

"Stop"

Napatigil ako sa paghawak sa may railing at nilingon uli sila.

"Baki-"

Halos mahulog ang hawak-hawak kong libro sa nakita ko. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Hinuhubad ni Gwen ang damit pantaas ni kuya. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto habang impit na nagtitili.

Buti na lang at hindi ko talaga nakita kung anuman ang nandun sa likod ng damit ni kuya. Inabot ko agad ang unan ko atsaka ito kinagat. Nakakagigil. Nakakagigil silang dalawa. Pwede namang sa kwarto eh pero sa sala? Pano na lang kung biglang dadating yung mga magulang namin? Magpapalusot na naman ako nito.

Niyakap ko ang unan pagkatapos kong panggigilan. Girlfriend ni kuya si Gwen, mag-iisang buwan na sila. Buti nga't napapagtiyagaan siya ng mga girlfriend niya kahit isang buwan lang talaga ang itinatagal nito. Marami na rin ang naidala niyang babae dito sa bahay at wala akong magagawa dun, ayos lang naman sakin at least may girlfriend si kuya.

Napatingin ako sa librong bigay ni Blake, How to Love Someone. Wala sa sariling napangiti ako. Puro talaga kalokohan ang mga pinaggagawa niya. Simula nang manligaw siya sakin kung ano-ano na lang ang pinagbibigay niya sakin, libro, chocolates at madalang lang ang bulaklak dahil na rin siguro sa alam niyang hindi ako masyado mahilig dun dahil tinanong naman niya.

Do you love him/her?, napapitlag ako nang marinig ang malakas na pagsarado ng pintuan. Napakatanga ko lang siguro kung hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila. Malaki na sila para diyan at hindi ko naman sila masisisi, buhay nila iyan.

Bumalik na lang uli ako sa pagbabasa ng libro. Katulad ng ibang librong para sa love may pa games din 'to at quiz pero ang tanong sino naman kaya ang lalaki na gagamitin ko?

Si Blake? O si kuya? Napailing ako bigla sa naisip ko. Oo't crush ko si kuya, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Zrage Thunder Gopez. Gwapo, macho, at higit sa lahat masungit. Kahit pa nung bata pa kami gwapo na siya kaya nga crush ko siya, at ang tanga ko lang at crush ko siya dahil lang sa gwapo siya, at higit sa lahat kuya ko pa. Hindi naman siguro masamang magkacrush sa kanya, sabi nga ng iba crush ay paghanga.

Napailing na lang uli ako nang magsimulang sagutin ang mga tanong na nasa libro at silang dalawa pa ang ginamit ko.



Napabuntong-hininga ako bago sila tinalikuran. Pagkatapos kong bilihin ang pinabiling pananghalian nila ay wala man lang ni thank you o salamat. Inuna ko pa namang bilhan sila bago ako kumain baka pagalitan pa ako. Nilingon ko uli sila at pumunta na sa room para kumain.

"Sum-Sum pwedeng sumabay sayo kumain?" Mabilis akong tumango kay Dew. Isa sa clown sa klase pero matalino naman, siya pa nga ang top one.

"Late na ah. Ba't ngayon ka lang kakain?"

"Hinintay mo ako no? Sabi ko na nga ba crush mo ako" dagdag niya pa habang natatawa sabay iling

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon