Chapter 14 "Riding-in-Tandem"

Começar do início
                                    

Naglakad nalang ako papunta sa park. Naupo ako doon, tiningnan ko ang kabuuan nito, madilim na. Nakakalungkot ang isiping 'di kami okay ni Kean dahil sa nagawa ko.

Haish.

"Bakit malungkot ka?" Napalingon ako sa tinig na iyon.

"Mr. Baider?" Nagugulat kong tanong.

"Di ako saiyo nakapagpakilala no'ng magkita tayo" ngumiti siya nang malapad.

"Kilala ko na po kayo" masaya kong sambit sa kaniya.

"Pero iba pa din kapag ako ang nagpakilala" umupo siya sa tabi ko. "I'm Laurent Baider"

"Nice to meet you po" napangiti ako.

"You can call me lolo kapag ganitong tayong dal'wa lang" sinsero niyang sabi at saka tumingin sa malayo na para bang may iniisip.

"Sige po, Mr. Bai--lolo" bigla kong namiss ang lolo ko.

'Di ko alam kung bakit masaya ang nadudulot ng presensya niya.

"Bakit ka nga pala nandito? Gabi na at mag-isa ka pa?" nag-aalala niyang tanong.

"Di po kasi ako makatulog" napanguso ako.

"Tell me, what is it?" Malambing niyang sambit sa akin na para bang siya ang lolo ko at inaalo ang kaniyang pinakamamahal na apo.

Bumuntong hininga ako saka nagsalita.

"I think I'm inlove, lolo" napalingon siya sa akin.

"Ganyan talaga ang nararamdaman sa ganiyang edad normal na ang magkagusto, nasa stage ka na papunta sa maturity, apo" may kung anong sarap sa pakiramdam ang pagbanggit niya ng salitang apo.

Sana nga apo mo akong talaga.

"He's avoiding me and I can't resist it" Malungkot ko siyang sinulyapan ngunit ngumiti siya.

"Kung sana nabubuhay lang ngayon ang anak kong panganay na si Laurenz at ikaw ang bunso niyang anak ay marahil masaya siya dahil dalaga na ang kaniyang anak" dire-diretso niyang sabi.

Napatingin ako sa kaniya.

San ko na nga ba narinig ang Laurenz? Parang pamilyar.

Natigilan ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ni Mr. Baider. Sinagot niya iyon.

"Ano?" Napatayo siya sa narinig sa kabilang linya. 'Di ko naman marinig iyon. "I'm going!"

"Pasensya na apo kailangan ko ng umalis. Ipapahatid kita sa mga tauhan ko" sabi niya na may pag-aalala sa mukha.

"Nako hindi na po, kabilang kanto lang ang bahay ko" pagtanggi ko agad.

"Gano'n ba? Mauna na ako pasensya na talaga apo. Mag-iingat ka" ngumiti sya at naglakad na papalayo.

Muling binalot ng lungkot ang katawan ko pero nabawasan na iyon dahil naikwento ko kay Mr. Baider. Ilang minuto pa kong nanatili doon at nagpasya ng umuwi.

Wala ako sa sariling naglakad hanggang sa isang harurot ng motor ang nakapagpabuhay sa natutulog kong katawan. Bago pa man ako maka-react ay babang-gaan na ako ng motor na iyon.

"Elle!" May mga brasong mahigpit na yumakap sa akin at sabay kaming napatalon sa gilid.

Nabalot ng kaba ang buo kong sistema. Nag-pump ng sobrang bilis ang puso ko. Huminto ang motor at may nagsalita.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora