Chapter 42 "Camarines Norte"

49 5 0
                                    

Elleina Zeal's POV

"Nandito na tayo" may mahinang tumapik sa pisngi ko.

Pag-mulat ko ng mata ay gabi na pala. Ang tagal naman ng byahe?

"8 hrs ang byahe galing makati papunta dito" sabi ni Flair. Nahulaan niya ang iniisip ko?

Bumaba ako ng kotse at gano'n nalang ang pagka-mangha ko sa lugar.

"Ang ganda!" nakanganga kong sabi.

Nasa beach kami, kahit gabi na ay lumiliwanag pa din ang kagandahan ng lugar.

"Welcome to Bagasbas Beach, Over Melanin, Zeal. Siguradong dadami ang melanin mo sa katawan dahil magbe-beach ka" sabi niya habang nakabuka pa ang mga braso at nakalahad ang mga kamay na parang may yayakap.

Imbes na mainis sa kaniya ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar. Maririnig mo ang hampas ng tubig sa dagat, buhanging sa tingin ko ay masarap lakaran, malinis na tubig na kulay asul, malamig na hangin, at sobrang sarap sa pakiramdam.

Ewan ko pero I have this feeling na I want to hug Flair. He really do what makes me comfortable.

Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya. Naiyak nanaman ako pa'no ba naman kasi ginagawa niya lahat para makalimot ako.

"Saan tayo matutulog nito? Gabi na?" tanong ko sa kaniya matapos bumitaw sa yakap.

"Edi sa kotse" sabi niya.

Hinampas ko ang braso niya.

"Kahit kailan ka talaga impakto! Saan nga?"

"May mansyon kami dito pero dadaan muna tayo sa bahay ni manang Cora" sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko at naglakad na kami.

"Yong kasambahay niyo?" sabi ko habang nakasunod lang sa kaniya.

"Di siya kasambahay! Halos ituri ko na siyang pangal'wang ina" sabi niya.

So sweet?

Nakarating kami sa isang 'di kalakihang bahay pero sapat na. Pinagmasdan ko ang mga bahay na nadadaanan namin, puro gawa sa kahoy at iilan lang ang semento.

"Jeb! Nako ikaw bata ka dae ka man lang nagsabi na darating ka" sabi ng isang matandang babae. At saka niya lang ako napansin. "Kasama mo pa ang nobya mo" sabi niya at saka ngumiti sa akin. "Ganda ng nobya mo"

"Magandang gabi po" sabi ko.

Lumapit sa akin si Manang Cora at hinawakan ako sa braso.

"Magandang gabi, siguradong magugustuhan mo dito, hija. Ano nga palang pangalan mo?" sabi ni Manang Cora habang pinapatuloy niya kami sa bahay nila.

"She's Ze--I mean Elle" sabi ni Flair.

"Jeb, nagpaalam ka ba sa iyong ama?"

"Yes, manang" luminga-linga si Flair. "Nasaan po si Buknoy?" tanong niya.

"Nandon naglalaro sa kapitbahay" pinaupo kami ni Manang Cora sa isang simpleng upuan na may lamesa.

Simple lang ang bahay nila. Medyo maliit pero maayos naman.

"Kumain muna kayo"

At saka naglapag si manang Cora ng pagkain, plato, kutsara, tubig at baso.

"Bicol express ang tawag diyan" turo ni Manang Cora sa karne na maraming sili at may gata.

Nanlaki ang mga mata ko! Ang sarap, ma-anghang!

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant