Chapter 32 "Affection"

38 6 0
                                    

(Mitz note: Loving the same person everyday is sweeter than the honey. Bahala kang umintindi hahaha mwa! Enjoy Reading M's!)

"I'm afraid that one day you'll love someone, but I am more afraid of not giving you happiness" - Clench Gabriel Belmonte

"Staying at your side is my happiness. I can't force you to love me, but I can never unlove you" - Javen Flair Imperial

"When I chase you, I had to deal with the consequence, but I still chose to love you" - Kean Patrick Valencia

Elleina Zeal's POV

Gabi na at oras na ng tulog. Fresh na fresh ang pakiramdam ko kasi naligo ako. Nahiga ako sa kama ko, tumagilid ako upang humarap sa veranda.

Tulog na kaya ang handsome ko?

Napasimangot ako sa isiping iyon. Sa sobrang pagod kanina pagkatapos ng klase ay 'di kami masiyadong nagkausap. Ewan ko ba kung ano ang iniisip niya kasi panay ang ngiti niya at tingin sa malayo habang tinatahak namin ang daan pauwi.

Napaisip tuloy ako na baka may iba ng nagpapangiti sa kaniya! Kakainis!

Ipinikit ko ang mga mata ko.

Haish! Sana 'di ko mapanaginipan ang nakakatakot na panaginip na iyon!

Ilang segundo pa ay nakapikit lang ako nang may humaplos sa pisngi ko. Napamulat ako ng mata.

"Matutulog ka na ba? My beautiful?" Nakangiting sabi ni Kean.

Siraulo talaga! Inakyat nanaman ang kwarto ko hahahaha pero ang sweet!

"Di ako makatulog, my handsome" yumakap ako sa baiwang niya.

"Halika, alis tayo" malambing niyang sabi.

"Ayaw ko, gabi na at saka nakapangtulog lang ako" pagmamaktol ko.

"Ayaw mo ba ko makasama?" nakasimangot na sabi ni Kean.

'Yon nanaman ang tanong niyang iyon!

Paboritong linya niya talaga iyon para magpa-cute at wala akong magawa para pumayag nalang sa gusto niya.

"Okay! Sige na nga!" bumangon ako.

"Let's go?" puno ang siglang sabi ni Kean.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa veranda.

"Sandali, nakaganito lang ako, eh!" Sabi ko sa kaniya at inginuso pa ang pantulog kong damit.

"You look cute! Okay na 'yan" nakangiti siya habang pinapasadahan ang buong katawan ko.

"Haish! Sige na nga" sumimangot ako.

"Don't pout, I'm tempted" saka siya nag-iwas ng tingin.

Maya maya pa ay inalalayan niya na akong makababa.

Lubid gaming!

Ito ang isang bagay na natutunan ko sa kaniya.

Umakbay siya sa akin nang makababa kami. Masaya namin tinungo ang park.

Laking gulat ko nang masulyapan sa malayo na maliwanag ang park.

"Handsome, anong mayro'n sa park?"

Ngiti lang ang itinugon niya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na isinalikop ang kamay niya sa kamay ko.

Nang makarating kami sa loob ng park ay nanlaki ang mga mata ko.

^___^ Kuya Zen, Zaimon, Zeke, Rev, Ali, Arah, Carme, Mom, Dad at Clench.
-____- Lance at Flair.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now