Chapter 28 "Letter"

46 5 0
                                    

Elleina Zeal's POV

"Nandiyan si Kean!" Nakangiting sigaw ni Kuya Zen.

"Anong ginagawa niya dito?" Nakangiti kong sabi.

"Bumaba ka at ng malaman mo" iyon lang at tinalikuran na ako ni Kuya Zen.

"Hi, beautiful" nakangiting sabi ni Kean.

"Hello, handsome" nilingon ko ang bugkos na bulaklak na hawak niya.

"For you" nakangiti niyang inabot iyon sa akin.

"Salamat" nakangiti kong sabi.

Ahhhhhh! Kinikilig ako!

Wait? Nanliligaw ba siya?

"Can I invite you in my room?" Napatitig ako sa ngiti niya.

"Hoy anong room 'yan, huh?" Sigaw ni Kuya Zeke

"Hahaha kuya Zeke" tatawa-tawang lumapit si Kean kay Kuya Zeke at tinapik ito sa balikat.

"May ipapakita ako kay Zeal"

"Siguraduhin mo lang Kean!" May masamang tingin siya kay Kean. Lumingon-lingon at tila may hinahanap. "Nasan ba si Jave?"

"Why are you finding him?" Nakakunot na sabi ko.

"Wala! Papuntahin mo siya dito at magdi-dinner!" Masungit niyang sabi sa akin.

Ano nanaman ba 'yon? Masyado naman yata silang naging close?

"Kuya Zeke, kuya Zen" baling ni Kean sa dal'wa. "Aalis na kami ni Zeal"

Tango lang ang tugon ng dal'wang kuya ko.

"Anong gagawin natin sa room mo?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng bahay. Ngisi lang ang tugon ni Kean.

"Hoy ano ba Kean!" Palo ko sa balikat niya.

"Basta"

Binuksan niya ang gate nila at pumasok kami sa bahay nila. Malaki, maganda, at malinis.

"Walang tao dito" nakangising sabi ni Kean.

"Hoy! Uwi na ko" akma akong tatalikod. Hinawakan niya ko sa braso.

"Hahaha easy! Masiyado kang kabado"

Umakyat kami ng hagdan at binuksan niya ang isang kwarto do'n.

Pagpasok ko naamoy ko agad ang amoy ni Kean doon. Panlalaki, kulay blue na dingding at halatang malinis sa katawan.

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng kwarto. Gulat kong tiningnan kung ano ang gusto niyang ipakita.

"Ang ganda niya" sabi ni Kean habang nakangiti at nakatingala sa mga drawing na ando'n.

Natutop ko ang bibig ko ng makitang lahat yo'n ay mukha ko. May nakangiti, nakatagilid, may nakatingin sa malayo, may nakasimangot, nakakunot ang noo, lumilipad ang buhok at marami pang iba.

Sa idrinawing niya para bang kabisadong-kabisado niya ang bawat detalye ng mukha ko at bawat ekspresyong ipinapakita ko. Natawa pa ko nang makita ang mukha kong umiiyak.

"Ang ganda! Ang galing! Ikaw ba ang nagdrawing nito?"

"Sino pa ba?" Sabi niya sa mayabang na tono at nagkibit balikat pa.

"Woah! May talent ka pala"

"May isa pa" tinanggal niya ang kurtinang nakatabing sa gilid.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now