Chapter 70 "Pajama Party"

38 3 0
                                    

Third Person POV

"Ano na ang nangyari sa ating paghihiganti?" tanong ng lalaking nakaupo sa wheelchair sa kaniyang bunsong kapatid.

Napakamot sa noo ang kaniyang kapatid at nangapa ng sasabihin.

"Puro pangbababae nanaman ba ang inaatupag mo? Ayusin mo ang pagtratrabaho mo! Kung kailangan mong gumamit ng ibang tao para makaganti sa lalaking 'yon gawin mo! Wala tayong usad!" nakatiim ang bagang sabi ng lalaki sa wheelchair.

"Kuya 'wag natin idamay ang iba wala naman silang kasalanan" tanggi ng kaniyang kausap at nag-iwas ito ng tingin.

"Ilang taon natin siyang hinanap! Dapat may mangyari! Wala akong pakialam kahit sino pa ang madamay!"

Bumukas ang pinto at may pumasok na lalaki.

"Mukhang mahihirapan tayo, master" sabi nito at tiningnan ang magkapatid. "Maraming sagabal. Hindi sila basta-basta. Ang babaeng 'yon ay mabilis at malakas maaring no'ng kikidnapin namin siya ay pagod lang siya at 'yong lalaking tumulong sa kaniya ay hindi maitatanggi ang galing niya sa flying kick, isang sipa lang ay nakatulog na ang mga tauhan"

"Gawin niyo ang lahat! Wala akong pakialam kahit pa anong paraan! At ikaw?" turo niya sa kapatid. "Mag-isip ka!"

"Hindi sila mahina at lalong 'di natin sila pwedeng maliitin! 'Wag tayong magpadalos-dalos" tiningnan din niya ang panganay na kapatid. "Aalamin ko ang kahinaan nila"

Naglakad na ito palabas ng pinto pero tumigil bago tuluyang lumabas.

"Ako ang bahala. Magtiwala ka lang, kuya. Pagbabayarin natin ang lalaking 'yon"

Elleina Zeal's POV

"Tabi-tabi nalang ulit matulog ang girls!" sabi ni Carme at saka umupo sa tabi ko.

Nasa mansyon kami ngayon ng mga Baider. Kumpleto ang barkada at lahat kami naka-pajama. Dahil sa pagkapanalo ko ay binalak ni lolo ng isang engrandeng party pero ayaw ko kaya sabi ko mag-pajama party nalang kami ng mga kaibigan ko buti nalang pumayag.

"Duh, as if I'm going to sleep with you, guys? Dami-daming kwarto dito tapos magtatabi-tabi pa kayo" mataray na sabi ni Diamond.

"Edi 'wag kang tumabi" mataray din na sabi ni Carme.

"Mga boys dating gawi tabi-tabi ulit!" masiglang sabi ni Clench at tumingin kay Taxon at Kil. "Ano tatabi kayong dal'wa?"

"Yes! Mukhang masaya 'yon!" sabi ni Kil at tumingin kay Taxon. "Ikaw, kuya?"

"Of course not, what kind of trip is that?" masungit na tanong ni Taxon.

Malaki kasi ang mansyon pero dahil sanay na kaming magkakaibigan na nagsisiksikan tuwing mago-over night ay lagi namin 'yon ginagawa dahil masarap matulog ng magkakatabi parang sulit na sulit kahit sa pagtulog.

"Masaya kaya 'yon!" sabi ni Clench.

Lumapit ako kay Taxon at umakbay. Si Flair naman ay tumingin nang masama.

Don't tell me pati pinsan ko pinagseselosan niya? Ang corny niya.

"Why don't you try different things?" tanong ko kay Taxon.

"I hate that. Masikip at mainit" sabi niya.

"Sige na" pamimilit ko.

"Okay" isinuko pa niya ang kamay. "Diamond, do'n ka din sa mga girls" utos niya kay Diamond.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora