Chapter 26 "Majayjay Falls"

45 4 0
                                    

Kean Patrick's POV

Kinaumagahan ay naglakad muli kami. Nang marating namin ang isang brgy. doon ay agad nanggamot ang medical team nila Kuya Zen.

Ang ginawa naman namin ay tumulong sa pamimigay ng mga pagkain at damit.

"Huhuhu ang sakit ng ngipin ko" nilingon ko ang isang batang nakahawak pa sa pisngi niya.

Lalapitan ko na sana pero naunang lumapit si Elle.

"Shh 'wag ka ng umiyak mamaya lang ay mawawala na ang sakit niyan" nakangiting sabi ni Elle.

Your smile arouse my whole system!

Iniupo ni Elle ang bata sa hita niya at iginiwang-giwang ang hita niya dahilan para tumawa ang bata.

"Ate, kapag ba malaki na ako pwede na akong manligaw saiyo?" Cute na cute na sabi nang bata, uutal-utal pa.

Siraulong bata! Uunahan pa ko.

Manligaw Kean? Really? Hindi pwede! Remember?

Nalungkot ako sa isiping iyon. Hindi nga pala pwede kahit gaano ko pa siya kagusto.

"Kean, pahinging bottle of water" sabi ni Kuya Zen habang may binubunutan ng ngipin.

"Kuya oh" abot ko naman sa kaniya.

Tinuon ko muli ang atensyon ko kay Elle na ngayon ay masayang pinalilibutan ng mga bata.

Sarap isipin na ako ang tatay at ikaw ang ina ng mga batang 'yan. Kaso hindi..

Ano ba Kean?! Stop day dreaming. You have your own world and Elle cannot be trespass because if that's happened, she'll get hurt and cry. Mas masakit makita 'yon.

"Are you thinking that she's the mother of your child?" Napatingin ako kay Jave na ngayon ay nasa tabi ko na.

"No" pagsisinungaling ko.

Nothing will change if I tell the truth.

"Okay but pre, don't play with her feelings. We know that you and her is not meant for each other in any angle, in any corner of the world" sabi ni Jave habang 'di tinatanggal ang tingin kay Elle.

Bumuntong hininga ako.

"I never forget that. Thanks pre" tinapik ko ang balikat ni Jave at tinalikuran na siya.

Elleina Zeal's POV

"Yohooo" sigawan nila habang tumatalon pa.

Tapos na ang medical mission at sa kagustuhan ni Kuya Zen na magenjoy kami ay dinala niya kami sa 'di kalayuang falls.

"MAJAYJAY FALLS! MOTHER EARTH YOUR BEAUTY NEVER FADE!" Nilingon ko si Kean na ngayon ay nakatingala pa at parang may isang himala sa langit.

"Pre! Maraming tubig dito siguradong makaka-8 glasses of water ka o higit pa!" Pangaasar ni Flair.

"Di na 'no! Mamaya umihi ka pa sa tubig edi patay ang mga isda hahaha nagkalat ka pa ng toxic waste!" Pangaasar ni Kean.

Natawa naman ako sa asaran nila.

"Enjoy the place. Make sure that you don't go far" sabi ni Kuya Zen at saka inilibot ang mata.

"YES!" Sigawan nanaman nila.

Masaya ko silang pinanood na lumalangoy sa tubig.

Si Carme ay nakahawak sa likod ni Lance at todo sigaw kala mo malulunod. Si Rev naman ay tinatakot si Ali na iiwan niya at malulunod ito. Si Arah naman ay nasa isang tabi nangunguha ng magagandang bato. Si Clench ay nagiihaw ng isaw at ng bangus.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now