Chapter 44 "Sunrise"

48 5 0
                                    

Elleina Zeal's POV

"Elleina!"

'Di ko narinig 'yong binulong ni Flair kasi may tumawag agad sa akin. Nilingon ko yo'n at gulat akong nakita si Taxon Ken, Taxen Kil at Diamond.

Tumakbo palapit sa amin si Taxen Kil.

"Taxen Kil!" Masaya kong bati.

"Kil nalang, anong ginagawa mo dito? Siguradong matutuwa si lolo kapag nakita ka dito!" Dire-diretsong sabi ni Kil na kumikinang pa ang mata.

"Bakasyon lang" maikli kong sagot.

Tiningnan ni Kil ang katabi ko. "Boyfriend mo?"

"Ah hindi 'no, si Jave, frienemy ko" mapangasar kong tiningnan si Flair.

"Frienemy? Hahaha" ang lakas ng tawa ni Kil.

Nilingon ko naman si Taxon Ken at Diamond. Si Diamond ay nakangisi kay Jave at si Taxon Ken ay mabagal na naglalakad palapit. Pinakilala ko lang sila kay Jave.

"Hey! How are you?" tanong ni Taxon Ken sa akin.

"I'm good, nice to see you here" sabi ko.

"Hi, Jave!" sabi ni Diamond sa malanding boses at yumakap pa sa braso ni Flair.

Inis na inis si Flair at bakas sa mukha ang pandidiri. Siniko ko siya.

"Baka siya na ang first and last love mo" bulong ko sa kaniya.

"Ugh! Kadiri ka!" sabi ni Flair sa akin habang inis na inis na inaalis ang hawak ni Diamond.

What's wrong with him?

Kaunti nalang at iisipin ko na talagang bading siya. Ang ganda kaya ni Diamond, para siyang supermodel 'di na ako magtataka kung one day makita ko siya sa TV.

"Dito muna tayo" sabi ni Kil at umupo sa buhanginan.

"K, pero saglit lang baka hanapin tayo nila lolo" sabi ni Taxon at umupo rin sa tabi ni Kil.

"Ugh lumayo ka nga! Para kang linta!" sigaw ni Flair kay Diamond at hinihila pa ang braso niya.

Tawa naman nang tawa si Diamond.

"You're so pogi!" sabi niya at akmang hahalik pa sa pisngi ni Flair pero hinawakan ni Flair ang mukha nito at inilayo.

"Yuck!" sabi ni Flair.

"Diamond, stop that!" inis na sabi ni Taxon.

Lumayo naman si Diamond kay Flair at padabog-dabog na umupo sa tabi ni Kil.

"Buti nga saiyo napagalitan!" sabi ni Kil at dumila pa kay Diamond, kinurot naman niya ito sa baiwang.

Umupo din ako sa tabi ni Taxon pero sapilitang sumingit si Flair sa gitna.

"Aray! makasingit ka naman wagas!" Asik ko at hinampas pa siya sa braso.

"Bakit may pangalan mo ba? Saiyo 'tong buhangin huh?" sabi ni Flair.

"You're acting childish, Impakto! Gosh!" sabi ko at nasapo pa ang noo.

Lahat kami ay nakaupo na sa buhanginan, nakalinya, ang pwesto ay si Diamond, Kil, Taxon, Flair at ako.

"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

Lumingon naman ang magpipinsan sa akin.

"May mansyon kami dito" matipid na sabi ni Taxon.

"Halos buong lugar ay pag-aari namin" mataray na sabi ni Diamond.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now