Chapter 9 "Good Heart"

53 6 0
                                    

Javen Flair's POV

Kasalukuyan akong nasa klase ngayon. Nakikinig sa professor namin.

"Pass your COR 'di ko pa pala napipirmahan iyon"

Nagmadali akong binuksan ang bag ko kinuha ang file case ko pero wala dito ang COR ko!

Bigla akong pinawisan ng malamig at 'di na mapakali.

Nasaan na iyon?

"Pre, bulate ka ba? Ang likot mo!" naiiritang sabi ni Kean.

"Do I look like a worm?" Mahina kong baling sa kaniya dahil baka marinig ng teacher namin.

"Easy! Ano ba iyon?" bulong ni Kean.

"Nawawala COR ko" pinagpapawisan kong sabi kaya naman pinunasan ko pa gamit ang likod ng palad ko.

"What!?" Napalakas na sabi ni Kean.

"What is happening there? Mr. Imperial and Mr. Valencia?" nakataas ang kilay na tanong ng teacher namin.

Shut! Ang ingay kasi nito.

Tiningnan ko ng masama si Kean.

"Ah--eh-kasi" hindi mapakaling sabi ni Kean.

"Nawawala COR ko Ma'am" kinakabahan kong amin.

Ayaw kong napapagalitan ng teacher. Hindi naman ako siraulo at pasaway na estudyante.

"Oh, ano pang ginagawa mo?" masungit na sabi ng teacher namin.

"Ma'am?" kunot-noo kong tugon.

"Get out of my room!" Nakataas ang kilay niyang sabi at itinuro pa ang pinto. "You know the rules 'diba? No COR, not officially enrolled!"

"Sorry, Ma'am" napatungo nalang ako sa kahihiyan.

Saan ba kasi napunta ang COR ko?

Tumayo ako at lalabas na pero sinulyapan ko muna si Kean.

"Pre" mahinang sambit niya habang nakatingin sa akin. Nakita ko pa ang pag-arko ng ngisi niya kaya napakunot ako ng noo.

Anong iniisip ng siraulong ito?

Tumango na lang ako sa kaniya at bumulong na 'okay lang'.

Palabas na ako ng pinto nang matigilan ako.

"Ako rin Ma'am, sorry labas na ko bye." Rinig kong sabi ni Kean

Napailing nalang ako.

Siraulo talaga!

Nang makalabas kaming dal'wa ay tumawa nalang ako.

"Anong gagawin ko do'n kung wala ka?" Sabi ni Kean habang bumubungisngis.

"Pre, mukhang ikaw iyong bading, ah. Sunod ka pa sa akin." Natatawa kong biro.

"No way! Sa pogi kong ito?" Nagpapogi pa siya.

"Kadiri" Umiiling-iling na sabi ko habang nakataas ang gilid ng labi.

"And now, we can snack happily!" Umakbay pa sa akin ang loko.

Nagtawanan kaming dal'wa.

Nasaan nga kaya napunta COR ko? Shut! Patay ako next time na pumasok ulit ako do'n ng wala pa 'yon!

"Pre, nasaan kaya si Rev?" tanong ni Kean habang lilinga-linga

"Aba malay ko! Kanina pa tayo magkasama!" Asik ko sa kanya.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now