Chapter 71 "Revenge 101"

39 3 0
                                    

Elleina Zeal's POV

Pagpasok ko sa room ay wala akong ibang narinig kung hindi ang 'congrats' sa pagkapanalo ko. Naghintay kami ng 30 minutes pero wala pa din ang professor kaya lumabas nalang kami nila Ali.

"Where are we going?" sabi ni Ali.

"Canteen?" sabi ni Arah.

"I'm not yet hungry" nakangusong sabi ni Carme.

"What if mag-mall tayo?" kumikinang ang mata na sabi ni Ali.

"G!!!" sigaw no'ng dal'wa.

"Ano, Elle?" tanong ni Ali.

"Sige"

Naglakad kami papunta sa parking lot. Wala naman ang mga boys dahil may klase sila. Kami ay walang klase dahil may meeting daw ang education teachers baka hanggang mamaya wala.

"I'm so excited! 'Di na kasi ako makapag-mall sobrang dami nating ginagawa" masiglang sabi ni Carme at tumingin kay Arah. "Bilhan natin si Arah ng mga sexy na damit para mapansin na siya ni Kil"

"Hahaha" tawanan namin.

"Nakakahiya!" sabi ni Arah at namumula pa.

"Kumusta ang singing lesson?" tanong ko kay Arah.

"Medyo may improvement gusto mo kanta ako ngayon?"

Umiling kami agad tatlo. Masakit kasi sa tainga ang boses niya 'di naman sa panglalait. Hahaha

"No, girl. Next time nalang pagkatapos ng singing lesson mo" sabi ni Carme at saka humawak sa braso ko.

Ang ginamit naming kotse ay kotse ni Ali siya na rin ang nag-drive. Sumakay kami do'n at masayang nagkwentuhan habang nasa byahe. Tumingin lang ako sa bintana pero nagulat ako nang biglang huminto ang sasakyan.

"Girls" tawag ni Ali sa amin.

Nilingon ko ang unahan at nakita ko ang Dreadful Gang, nakamaskara sila kaya ko nalaman. Shit! Ano nanaman?

"O..M..G! Sino sila?" tanong ni Carme.

Sumilip si Ali at inilabas ang ulo.

"Guys, pwede bang tumabi kayo?" sabi niya sa mga lalaki pero lalo lang itong humarang at ngumisi.

"Ali isarado mo ang bintana!" sigaw ko.

"Anong nangyayari?" nanginginig na tanong ni Arah.

Nakita ko ang paghahabol agad ng hininga ni Carme.

"Bebs! Are you okay?" lumapit ako sa kaniya at nag-aalalang tiningnan siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at pipindutin na sana para tawagan si Flair pero may humampas ng bintana at nabasag ito.

"Baba!" sigaw ng isang nakamaskara.

Dug.dug.dug.

'Di ako natatakot para sa sarili ko pero natatakot ako para sa mga kasama ko.

"Sabi't baba!" bumaba kami habang nakataas ang kamay.

Naghahanap ako ng posible kong gamitin upang makapanlaban.

"Ang gaganda pala nito!" sabi no'ng isa at akmang lalapit kay Ali pero sinuntok ko agad ang kamay nito at hinarang ang sarili sa kanilang tatlo.

"Don't you dare touch any of them!" sigaw ko.

"Tapang! Hahaha" sabi ng isa at tumawa silang lahat.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora