Chapter 4 "First Hug"

81 8 0
                                    


Javen Flair's POV

"Pre, bilisan mo naman!" sigaw ni Kean kay Revnel

Andito kami ngayon sa bahay ni Rev pupunta kami, ngayon sa Unibersidad de Laurente, minsan tinatawag na pinaikling 'Laurente' lang. 
Dito namin balak mag-college. Ipapasa lang namin ang mga papers namin at magbabayad ng tuition at miscellaneous. Balak kong kunin ang course na Psychology parehas kami ni Kean si Rev naman ay Civil Engineering.

My reason why I want to be a psychologist is to study human behaviour and know how people think. I really like this profession, excited akong malaman ang iba't ibang mental disorders at mag-prescribe ng proper comfort medicine for my client. I want to help people dealing with mental illness, finding solution to entertain their mind and fight to their situations.

"Pre, bakit ba dadalhin mo pa 'yang mahabang payong na 'yan" sigaw nanaman ni Kean ang lakas ng bibig ng taong 'to parang 'di lalaki.

Tiningnan ko silang dalawa hawak-hawak ni Rev ang payong, si Kean naman ay tingin na tingin sa payong.

"Pano 'pag umulan, huh?" Taas noo niyang sabi kay Kean

"Umbrella boy amputs! Hahahaha" bumungisngis na si Kean.

Natawa din ako ng kaunti sa pangaasar niya.

"Common sense Kean, edi nagkasakit pa si Ali palibhasa kasi wala kang girlfriend kaya wala kang inaalalang ibang tao sarili mo lang try mo kaya mag-girlfriend 'no!" dire-diretsong paglaban ni Rev kay Kean. Napakamot naman sa batok si Kean.

"Psh, ang yabang mo kung hindi naman dahil sa amin ni Jave hindi ka sasagutin!" ang pagkakanguso ni Kean habang sinasabi iyon ay dahilan upang matawa ako.

"Tsk masiyadong mahal ang first love kaya 'di makalimot. Hindi na babalik 'yon." bulong ni Rev pero narinig ko.

"What did you say?!" Seryosong tanong na ni Kean.

Kapag talaga tungkol sa babaeng iyon bigla siyang nagse-seryoso.

"Tama na nga 'yan, tara na!" Pagyayaya ko, agad naman silang sumunod.

Lumabas na kami at kaniya-kaniyang sumakay sa sari-sariling kotse tinahak ang daan papunta sa Unibersidad de Laurente.

"POGIIIIII!"
"Type ko 'yong naka-black!"
"Akin iyong nakawhite!"
"Ang gwa-gwapo nilaaaaa!!!"
"Hottttieeee!!!"

Sigawan ng mga mahaharot na babae nang makababa kami sa kotse.

Naiingayan ako nakakasira ng araw kapag ganito, gusto ko ng tahimik na mundo! Sinulyapan ko ang dalawang kasama at 'ayon si Kean nakangiti na halos mapunit ang bibig. Si Rev naman ay iwas na iwas sa mga babae habang sinasabing 'loyal ako'.

"Pre, ngumiti ka naman" bulong ni Kean sa akin.

"Ayaw ko kadiri ka, pre!" Sinabi ko iyon na animo'y diring-diri.

"Allergy ka talaga sa babae 'no?" Nangaasar niyang tugon.

"Ayaw ko lang sa mga haliparot kadiri kaya"

"Sus maybe you're gay" tatawa-tawa niyang banggit nanlaki naman ang mga mata ko.

"I don't have time to joke with you, pre!" Tinalikuran ko siya at nauna ng maglakad papasok sa Laurente.

"Di na mabiro talaga 'tong kolokoy na 'to" rinig kong sabi ni Kean kay Rev.

"Hanapan mo kasi ng girlfriend para di na magsungit. NGSB! Hahaha" lakas nang tawa ni Rev.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now