Chapter 81 "PERFECT TWO"

33 4 6
                                    

Elleina Zeal's POV

Marikit
Juan Caoile feat. Kyleswish

Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay saking mundo
Sana ay panghabang buhay na ito..

Nagising ako sa tugtog na iyon. Nang imulat ko ang mata ko nakita ko si Flair na sumasayaw. Napangiti ako sa kaniya kaso nanlaki ang mata ko nang makita wala siyang shirt! Bakit naman kasi wala siyang pang-itaas?

Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay saking mundo
Sana ay panghabang buhay na ito..

Imbes na bumangon ay pinanood ko lang siyang sumayaw. Ibang klase talaga kapag siya ang sumasayaw plus the face, and ahm his hot body! Pinapawisan na siya nakita kong tumulo ang pawis galing sa gilid ng noo niya pababa sa pisngi, leeg at sa abs niya. Nakagat ko ang labi ko. Ugh! Bakit meron siya no'n? Siguro kasi dancer siya nakakatulong 'yon para magkaroon din ng perfect body. Ugh!

Oh binibini ko, ikaw ang nais ko
Na makapiling sa buong buhay ko
Laman ng panaginip, ikaw ang iniisip
Di ko alam kong bakit ako ay nabibighani..

Rinig kong sinasabayan niya ng kanta ang sayaw pero napatigil siya nang makitang gising na ako. Pinihit niya ang volume at pinatay na iyon.

Lumapit siya sa akin habang nagkakamot ng ulo.

"Good morning, baby cherish. Sorry nagising ba kita?"

"Good morning din" lumapad ang ngiti ko "Nagising ako pero magandang ikaw ang nakita ko. Perfect view!"

Natigilan ako sa sinabi ko.

Perfect view???

Nakita ko ang ngisi sa labi niya. Lumapit siya at kinuha ang kamay ko at saka ipinagapang sa dibdib papuntang abs niya. Nang akmang ibababa niya 'yon ay inagaw ko na.

Nag-iwas ako ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ang init naman ang aga-aga!

Rinig ko ang pagtawa niya ng malakas. Pinagtri-trip-an nanaman niya ako. Kakainis talaga siya!

"May lihim na pagnanasa ka sa akin huh?" tumawa siya muli nang malakas.

Ugh! Nakakainis talaga siya mang-asar!

"Tse!"

Nagmadali akong pumunta ng banyo para iwasan siya pero humarang siya sa pinto ng banyo.

Nakita ko ang pagkagat niya ng labi.

Gosh! Ano bang ginagawa niya? Parang siya naman ngayon 'yong gumaganti at nangse-seduce.

"What are you doing?" kabado kong tanong nang akmang hinawakan niya ang short niya.

Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin.

"Flair!!!!!!! Buset ka talaga!!!!!" sigaw ko sa kaniya. Ang tawa niya ay 'di na nawala.

Good time nanaman!

Ang init na ng mukha ko sa ginagawa niya. Ang lakas ng trip niya!

"Tabi!" hinawi ko siya pero gano'n pa rin kalakas ang tawa niya.

"Impakto!!!!" sigaw ko nang makapasok na ako sa banyo.

Nahawakan ko ang dibdib ko sa sobrang kaba. Buset talaga siya!

Nakita ko ang sarili ko sa salamin. Biglang namula ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi at ang nangyari kanina lang.

I never attract to someone with abs and sexy body kay Flair lang. Bakit gano'n?

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now