Chapter 54 "Party"

43 3 0
                                    

Elleina Zeal's POV

Lahat ay busy dahil nag-aayos sila. May party para sa akin, sa aking muling pag-babalik daw. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ng pamilya ko, ang mga Baider. Minsan 'di ko lubos maisip na isa pala akong Baider. Masyado silang mataas at tinitingala ng maraming tao. Kakaiba ang pamilya nila, misteryoso pero hindi gugustuhing banggain dahil kung titingnan ka nila ay tataob ka na agad. Mayroon silang kakaibang dating na kapag narinig mong 'Baider' lilingunin mo na kaagad. 'Di ko inaasahan na isa akong miyembro no'n.

Nakita kong balik-balik ang mga tao. Maraming inaayos at inaasikaso, nasa mansyon ako ng mga Baider. Si lolo ay 'di mapakali sa pag-aayos ng neck tie niya pero kapag nakita akong nakatingin ay ngingiti nang pagkalaki-laki.

Nasan na kaya sila mommy?

Nag-stay muna ako dito sa mansyon dahil matagal daw nila akong 'di nakasama. Araw araw nakikipag-bonding sila lalo na ang tatlo kong pinsan. Si Diamond paminsan-minsan ay nagsusungit pero parang ugali na niya talaga 'yon. Si Taxon ay parang si Kuya Zen puro libro ang hawak at palaging seryoso. Si Kil naman ay walang kasing likot, isip bata at palaging inaasar si Diamond.

Ilang linggo ko na din 'di nakikita si Flair. Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba siya hinahanap? Ugh!

Para kasing ang lungkot ng buhay kapag wala si Flair kahit araw araw naman siyang nag-tetext, parehas sila ni Carme nangungulit sa text.

From: Poging Flair (siya ang nag-lagay niyan 'di ako)
Namimiss na kita asarin

Kapal talaga! Ang pang-aasar lang ang namimiss niya huh? Bahala ka diyan 'di kita rereplyan. Bakit gusto mo ba ikaw mismo ang mamiss, Elle? Ugh!

From: Poging Flair
Ang cute mo mapikon

Duh! Paano niya nalamang naiinis ako? Napa-irap ako.

From: Poging Flair
'Wag ka ng umirap. Ang pangit ng mukha mo

Nanlaki ang mga mata ko. Napalingon ako sa paligid 'di kaya nandito 'tong impaktong 'to? Wala naman.

From: Poging Flair
'Wag mo na akong hanapin. Nasa puso mo lang naman ako.

Ugh! Bwisit na ito! Nasaan ba kasi siya. Wala akong nirereply sa kaniya pero nahuhulaan niya. Nag-type ako para mag-reply.

To: Poging Flair
Stop annoying me. Sipain kita diyan!

From: Poging Flair
Ang sweet mo talaga, kiss kita diyan mamaya.

Napa-irap ako duh! Nag-iinit ang pisngi ko. Buset na lalaki 'to.

Magkaibang-magkaiba sila ni Kean. Si Kean ay sweet sa lahat ng bagay. Si Flair ay aasarin ka muna bago ka banatan ng nakakakilig. Wah? Did I say nakakakilig? No, I'm not! Bakit ko ba sila pinag-kukumpara nakakainis lang kasi.

To: Poging Flair
Kiss your face!

From: Poging Flair
How could I do that? Baka gusto mong ikaw ang humalik sa face ko. Sabihin mo lang Over Melanin, papakipot muna ako pero papayag naman ako, eh.

Ugh! Naiinis na talaga ako. Inis kong itinago ang cellphone ko. Bahala ka nga diyan! Impakto ka talaga!

Nag-bihis na ako ng gown kulay puti 'yon na maraming kolorete, medyo labas ang itaas ng dibdib ko. Pa-sirena-like siya, hindi ko alam ang tawag. Basta maganda siya at elegante.

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Kinulot nila ang mahaba kong buhok na bumagay naman, ang pag-kakamake-up ay bagay na bagay din sa akin. Mukha akong ibang tao.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now