Chapter 25 "Laguna"

44 5 0
                                    

"Fall"

Elleina Zeal's POV

"Bebs! Bumangon ka na diyan!" Nagising ako sa maingay na bibig ni Carme. "Bilisan mo! Andito na sila!"

"Hmm" nag-ayos lang ako ng pwesto ko at tumagilid.

Napamulat ako ng mata nang hilahin niya ako sa paa.

"Ano ba!" Sabi ko habang 'di tumitingin sa kaniya. Umakyat muli ako para maabot ang unan at muling inihilig ang ulo ko sa unan.

"Ang cute" impit na kilig na sabi ni Clench.

"Ang pangit matulog" sarkastikong sabi ni Flair.

"Good morning, Beautiful" masiglang bati ni Kean.

Napamulat ako ng mata at napaupo nang marinig ko ang boses na iyon ni Clench, Kean at Flair.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita silang lahat sa kwarto ko.

Woah! I must be dreaming!!!

"WHAT THE HELL ARE YOU ALL DOING AT MY ROOM!?" Sigaw ko sa kanilang lahat.

^___^ Kean, Clench, Carme, Rev, Ali, Arah and Flair.
-___- Lance

Inis kong tiningnan silang lahat.

"ZEKE BOY!!!!" Sa lakas nang sigaw ko ay siguradong nayanig ang buong bahay.

Lumabas si kuya Zeke sa likod ni Flair at naka-peace ang mga daliri.

"Ugh! LABAS!" Pantataboy ko sa kanila.

"Kahit si Kean?" pangaasar na tanong ni Carme.

Tiningnan ko si Kean nang nahihiya.

"Can you please go down stair? Magpre-prepare lang ako" nahihiya pero malambing kong sabi kay Kean.

"Yes. of course, unless you want me to join you?" bumungisngis si Kean. Hinampas ko siya sa braso.

"Over Melanin! Bilisan mo ah! Ikaw nalang ang hindi ready!" Gigil na sabi ni Flair.

"Bakit san ba tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.

"Sa medical mission ng kuya Zen mo" kumindat si Flair sa akin.

Baliw talaga!

"Bakit kasama kayo?"

"Kasi gusto namin" sarkastiko niyang sagot.

"Kahit kailan talaga ang galing mo sumagot" inirapan ko siya.

"Kaya nga matalino, eh" pagyayabang niya pa.

Sarap sipain ng isang ito!

"Lumabas ka na nga! Ang aga mong epal!" naiinis kong sabi sa kaniya.

"Ikaw nga may muta pa" tatawa-tawa niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Gosh! Nakita ba 'yon ni Kean? Ugh!!!!

"Kakahiya 'no?" Pangaasar pa rin ni Flair.

"Ugh!" Pinitik ko siya sa noo.

"Aray! Over Melanin!" sabi niya habang hawak ang noo.

"Labas" sinipa ko siya sa likuran palabas ng kwarto.

"Grr!" Masama ang tingin niya bago lumabas ng kwarto.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now