Chapter 52 "THE UNEXPECTED"

39 2 0
                                    

Elleina Zeal's POV

"Welcome back, Shine Clear Baider"

Fuck! Oo nga pala 'yon ang pangalan ko. Tulo lang nang tulo ang luha ko lumapit na si Lance para aluin ako.

"Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot na tanong ni Lance.

"Sila ang totoong pamilya ko"

Nagulat si Lance at nag-hagilap ng isasagot. Nakita ko ang pag-kalito niya.

"Mission Accomplished, partner" ngumiti ako sa kaniya habang lumuluha.

Tumakbo na ang mga Baider para yakapin ako.

"Lolo!" sigaw ko at sinalubong ang yakap niya.

Gano'n nalang siya ka-emosyunal na talagang 'di na napigilan ang umiyak. Umiiyak na rin ang lahat ng miyembro ng mga Baider.

"Ang tagal ka naming hinanap" bulong ni Mr. Baider.

Wala akong ginawa kung hindi umiyak.

"Paano ko.." nahihirapan kong sabi. "Paano ko nakalimutan ang sarili kong pamilya?"

Lumuha lang ako nang lumuha at lalong sumakit ang dibdib ko nang mabuo ang ala-alang matagal kong nakalimutan.

*Flashback

Umuwi ang pamilya namin sa Bicol, Camarines Norte, para mag-bakasyon. Tumuloy kami sa mansyon namin. Ako, mama, papa at ang nakaka-tanda kong kapatid na si Bright Sun Baider. Ang mansyon ng mga Baider ay pag-aari ng sarili kong ama na si Laurenz Anm Baider.

Si mama naman ay isang ordinaryong mamamayan din katulad ni lola siya si Zaxy Nem Baider.

Maraming tauhan ang papa na nanga-ngalaga sa lupain ng mga Baider. Ang mga tauhang iyon ay nakatira sa pag-aari ng mga Baider ng walang bayad, ibinigay ni lolo ang titulo sa kanila upang may sarili silang lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay kaya gano'n nalang ang pag-papasalamat nila sa mga Baider. Ang lupaing ito ay ang bayan ng aking lola dalaga pa ito noon ng may gustong bumili ng lugar, no'ng ma-asawa niya si lolo binili niya ang lugar para ibigay sa mga taga-rito at ipinangalan naman ito sa aking ama.

Masaya ang bakasyon namin, halos matagal kami sa mansyon hanggang sa isang araw may kausap ang papa ko na isang lalaki naririnig kong gusto nitong bilihin ang lupain ng mga Baider dahil sa sobrang sagana nito sa mga pinya, mais, palay at kung anu-ano pang mga tanim. Hindi pumayag ang papa ko.

Laging bumabalik ang lalaking 'yon sa mansyon upang kumbinsihin ang papa pero lagi rin siyang tumatanggi dahil iniisip niya ang mga taga-rito.

Hanggang isang gabi. Natulog kami nang masaya pero hindi inaasahang ang gabing 'yon ang sisira sa masaya naming pamilya.

"Goodnight my Princess" sabi ni mama at humalik sa noo ko.

Nakatulog na ako ngunit may dumamba sa pintuan ng kwarto ko.

"Mama! Papa! Ate!" Gustuhin ko mang ilakas ngunit hindi ko magawa dala ng takot na namumuhay sa aking katauhan, kinakabahan at umiiyak.

Pumasok ako sa ilalim ng kama. Nang makitang palapit na ang taong 'yon tumakbo ako palabas at nagtago sa ilalim ng lamesa.

"Baby girl where are you?"
"Lumabas ka na wala ka naman tatakbuhan hahaha" Nangibabaw ang nakakakilabot na tawa niya, nagpapaulit-ulit sa aking tainga.

Sumilip ako ng bahagya sa mesang tinataguan ko laking gulat ko nang makitang nakasilip na din ang lalaki. 

"Huli ka!" tumatawang sambit niya. Napaatras ako sa kabilang dulo ng lamesa at akmang tatakbo ngunit nahawakan niya ako sa aking damit. Patuloy ako sa pagpupumiglas at sumigaw nang sumigaw.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now