Chapter 69 "Pageant"

42 3 0
                                    

Elleina Zeal's POV

Tatlong oras nalang ay magsisimula na ang pageant. Kinakabahan ako. Naka-make up na ako at kulot na rin ang buhok ko. Nakaupo lang ako at pinagmamasadan ang mga isusuot ko mamaya. Siguradong magwawala si Flair kapag nakita niyang may swim wear din. Hays.

"Baby ko" nilingon ko ang malambing na tinig na iyon.

Lumapit si Flair sa akin at yumakap.

"No matter what happen. You still my Ms. Laurent University" hinawakan niya ang kamay ko. Malamig iyon kaya ni-rub niya.

"Nandito lang ako. Susuportahan kita" nakangiti niyang sabi. "Ikaw ang pinakamagandang babae sa buhay ko at si mommy"

Ngumiti ako kahit ang kaba ay nararamdaman ko pa rin.

"Shine" tawag ni Taxon.

Nakita kong palapit si Lolo, Taxon, Kil at Diamond.

Ang kulit nila sabi't 'wag akong tawaging Shine dito sa Laurente.

"You can do it! Aja!" sabi ni Diamond.

"Our beauty queen" nakangiting sabi ni Kil.

"I know you'll win" hinaplos ni Taxon ang buhok ko.

Si lolo naman ay hinawakan ang kamay ko.

"Isa kang Baider. Walang kinatatakutan" nakangiting paalala ni lolo sa akin.

"Salamat po"

"Good luck!" sabay-sabay nilang sabi at nagpaalam na din palabas.

Maya maya ay ang mga Suarez naman ang pumasok.

"Mukha kang tao ngayon" bungad ni kuya Zeke. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Good luck, Princess" sabi nila at isa-isang yumakap sa akin.

"Galingan mo, anak" sabi ni mommy at daddy.

Lumapit ulit sa akin si Flair.

"Smile and enjoy. Remember that, baby" humalik siya sa noo ko. "Kabadingan man pero isisigaw ko ang pangalan mo. Hindi lang kung gaano kita sinusuportahan kung hindi kung gaano kita kamahal"

Na-touch ako sa sinabi niya. Nawala ang kaba ko at inisip mabuti ang bilin niya.

"Good luck, my baby cherish"

Maya maya pa ay maingay na sa labas. Siguradong nagsisimula na may sayaw muna ang Laurente movers bago magsimula dahil kasali ako dito hindi ako kasama sa intermission. Si Flair ay 'di rin sumama dahil wala daw ako. Baliw talaga.

"Please welcome our beautiful candidates!"

Nagsimula ng tumugtog ang kanta at rumampa ang mga nasa unahan ko. Casual attire ang suot namin ngayon. Pare-parehas kaming lahat naiba lang sa kulay. Ang akin ay kulay red na fitted at v-neck na talagang lalabas ang ibabaw ng dibdib. 6 inches na sapatos na silver naman sa paa. Tiningnan ko ang number ko, number 7 iyon.

Pagkatapos nila ay ako na hinipan ko ang thumb ko para mawala ang kaba ko. It sends signal to the brain that nothing to be worry.

Ngumiti ako bago lumabas ng stage.

'Smile, chin up and duck walk'

Paulit-ulit iyon sa isip ko.

Lumakas ang sigawan nakita ko na ang mga banner ng mga kaibigan ko pero ang nakapagpangiti sa akin ng todo ay ang banner na hawak ni Flair.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now