Trap 26

32 2 0
                                    

Kinabukasan ay nailibing na si Harumi-dono. Hindi bumabalik sa dating atmospera ang buong lugar lalo na't hindi na namin siya makakapiling kahit kailan.

Nagtagal lang si Akunogami-dono ng isang araw sa shrine bago bumalik sa trabaho. Hindi ko alam kung nakapagpaalam ba siya kay Altair dahil nagkukulong lang ito sa kwarto matapos ang libing.

Sa ngayon ay minamasdan ko ang buong silid. Ito na ang huli kong araw sa shrine. Pabalik na ako sa Pilipinas bukas. Dahil wala akong dalang mga gamit noong makarating dito, tanging cellphone ko lang ang kasama ko sa paglisan.

Iiwan ko lahat ng mga bagay na ibinili sa akin ni Altair noong mga nakaraang araw. Miski ang mga damit gaya ng kimono na sinuot ko noong Kaika ay hindi ko iuuwi.

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kaisa-isang sakura tree na malapit sa bintana. Mamimiss ko 'to. Marami siyang magagandang nakita mula sa aming dalawa ni Altair. Meron rin siyang nasaksihang mga away naming dalawa at minsang pag-iyak ko dahil sa kanya.

Dito ko piniling matulog dahil ayokong bumalik sa kabilang shrine. Hindi ko makalimutan na doon ako inatake ni Altair noong wala siyang kontrol sa sarili. Mas mabuting dito ako mamalagi dahil ito na ang huling sandali na makikita ko ang silid na 'to.

Why did I change my mind when it's already set that I will be against of my return in the Philippines? I only have a single reason why I gave up.

Kailangan kong maniwala sa panaginip ko. Hindi ko nalaman kung sino ang mapapahamak sa amin pero may kutob na ako kung sino ito.

Habang magka-krus ang mga landas namin ni Altair, alam kong hindi lang ako ang napapahamak sa aming dalawa. Miski siya ay nakikipaglaban para protektahan ang sarili habang hinahayaan akong hindi masaktan ng kahit na sino man.

It's not good for us to be with each other. Right now, I do believe that people from two worlds will never be meant for each other.

It's very hard to let go of someone you love. Kung talagang ito ang nakakabuti para sa amin, ito ang dapat kong piliin para wala ng masaktan pa.

Binuksan ko ulit ang phone ko para tingnan kung may mensahe akong natanggap kay Gun. Walang bago gaya noong mga nakaraang araw. Sa kabila ng hindi na niya pagpaparamdam, naagaw ng atensyon ko ang isang mensahe na nanggaling sa hindi kilalang numero.

"Kanino 'to galing?" nagtataka kong tanong sa aking sarili.

Pagkabukas ng mensahe, maikli lang ang laman nito na hindi lalagpas sa kalahati ng screen.  
  
  
  
From: +81*********

I know that you saw me in Tokyo last time. Are you scared that my younger brother will know your whereabouts? I was right that you are with him, Shamy.

Kahit saan ka magpunta mahahanap kita.  
   
  
  
Even though it was a different number compared to what's saved on my phone, I'm absolutely sure that it came from Ford! Hindi ko napansing nagsend siya sa akin ng sms noong mga nakaraang araw.

Ibig sabihin siya talaga ang nakita ko noon? Alam niya kayang dito nakatira si Altair?

Muntik ko na maihagis ang phone matapos marinig ang pagbukas ng slidding door. Nakita kong pumasok si Kira at nagtaka siya dahil parang balisa ako.

"Dinalhan na kita ng tanghalian dahil magkalapit lang naman kayo ni Kuro-san ng kwarto." sabi niya sa akin.

Matapos kong magpasalamat, hindi siya nagtanong kung bakit ako nababalisa. Mas mabuti nga siguro na hindi siya nagtagal sa kwarto dahil baka maikwento ko pa sa kanya ang tungkol sa message ni Ford.

Loving a BeastWhere stories live. Discover now