Trap 21

44 2 0
                                    

Ngayong araw ay nagsosolo ulit ako sa kwarto dahil may pasok si Kira at nasa university rin si Altair.

"Nag-iisa na naman ako. Haay."

Noong nakatulala ako sa bintana, biglang sumagi sa isipan ko ang aking phone na nakatago sa maliit na cabinet.

"Baka nagtext ulit si Gun."

Gusto ko na sinasabi niya rin sa text kung ano ang sitwasyon nila sa Pilipinas. Matagal ko ng inaabangan kung maayos pa ba silang lahat kahit wala ako sa tabi nila.

Pagkabukas ng phone, ni isang mensahe mula kay Gun ay wala akong natanggap. Kilala ko pa naman siyang matalino gaya ni Ford. Siguro'y alam niyang gusto kong magtanong ng balita tungkol kila Herza o kaya'y kay Hazel kaya hindi niya ito binabanggit sa text. Kung sakaling replyan ko siya at magtanong tungkol sa kanilang lahat, madali niyang matetrace ang lugar kung nasaan ako sa Japan.

"You are really a genius jerk." bulong ko habang tinititigan ang mga lumang mensahe ni Gun.

"I-off ko na nga ulit yung phone."

Bago ko patayin ang cellphone, nagulat ako nang makatanggap ng isang mensahe.

Baka si Gun 'to. Matingnan nga.   
     
       
     
From: Allen

How's your day? :)   
     
       
     
Oh. Unang beses na nagtext sa akin si Altair after few years. Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagtext siya sa akin imbes ang kanyang kapatid. Yun nga lang, kahit nakakatuwa sa pakiramdam na nagtext siya sa akin ay medyo creepy ang smiley sa
message. Hahaha.

Wait, palitan ko na kaya ang contact name niya sa phone ko? Allen is already gone.   
     
       
     
To: Altair

Just fine.   
     
       
     
From: Altair

Me also. Hindi gaanong maraming gawain sa office ni Mama. :)   
     
       
     
To: Altair

Tinatanong ko ba?   
     
       
     
From: Altair

You are so mean. :)   
     
       
     
To: Altair

Quit inserting a smiley face! Ang creepy!   
     
       
     
From: Altair

Creepy ba? Bakit naman siya nakakatakot para sa'yo? :(   
     
       
     
To: Altair

Mas bagay yung sad face. Hahaha (mark my sarcasm)   
     
       
     
From: Altair

Wawalanghiyain rin kita pagbalik ko sa shrine.   
     
       
     
To: Altair

Eto naman, joke lang 'no. Grabe ka sa akin. :( :(   
     
       
     
From: Altair

Kung hindi bagay sa akin yung smiley, mas lalong hindi bagay sa'yo yung sad face.   
     
       
     
To: Altair

And so kung may sad face yung reply ko?   
     
       
     
Altair   
     
       
     
It has been a great boredom reliever as I keep sending messages to Shamy. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong itext siya gamit ang cellphone number kong alam niya.

Loving a BeastNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ