Trap 4

42 3 0
                                    

Kailangan ko na bang tumakbo palayo sa taong ito?

Kung aalis ako agad ng walang pasabi sa kanya, mahahalatang may itinatago akong sikreto.

Pero kung hindi ako iiwas kay Gun, madali niyang malalaman ang lahat.

Pinilit ko ang aking sarili na ngumiti kahit pa kinakabahan na ako ng sobra.

"Sila Claire at Abyssa ang inihatid mo dito?" tanong niya.

"O-Oo. Kakaalis lang nila kanina."

"Ako rin ang naghatid kay Mom. Ayoko kasing mag-isa lang siyang pumunta dito. Pati para hindi siya malungkot na iwan ako."

Matapos niyang sabihin ang mga 'yon, biglang ngumiti si Gun kaya bumalik ang takot ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?"  
    
    
    
!¤!♡!¤!   
     
    
   
Sa isang coffee shop kami pumunta ni Gun matapos manggaling sa airport. Sa una ay pareho kaming tahimik habang nakaupo sa mesa. Pero matapos ang ilang minuto, nagsalita na si Gun.

"Hindi pa rin ba gumagaling ang mga sugat mo?"

Natatakot akong tumingin sa mga mata niya. Ramdam ko kasi ang kaseryosohan niya sa nasimulang pag-uusap.

Baka kapag makita niyang nag-aalinlangan ako sa pagsagot, mahahalata na niya ang itinatago ko.

"Oo. Hindi pa rin gumagaling."

Ito lang ba ang pag-uusapan naming dalawa? O dahan-dahan siya sa mga sinasabi para hindi mabigla sa dapat na pag-usapan?

Rinig kong tumikhim siya matapos inumin ang biniling kape. Hindi ko makain ang ibinili niyang fries sa akin dahil pinipigilan ko ang aking kamay sa panginginig.

"Shamy, look at me."

And there he goes in pleasing me to have an eye contact with him.

He knows that I am now hidding something from him.

Magagalit na ba talaga siya ng tuluyan sa akin? Magsisimula na bang dumating yung prediksyon ni Altair na kakamuhian nila ako?

Biglang may tumulong luha sa mga mata ko at agad ko iyong pinunasan. Masyado ng mabigat ang nararamdaman ko kaya hindi ko na kinaya ang tensyon sa pag-uusap namin.

"Huwag kang umiyak dahil wala akong ginagawang masama sa'yo. Ni hindi kita tinatakot para iyan ang isukli mong sagot."

"S-Sorry."

Napahawak na ako sa dibdib dahil pakiramdam ko ay naninikip ito.

"May itinatago ka ba, Shamy?"

Parang nawalan na ako ng boses at hindi na kayang sagutin ang tanong ni Gun.

"Hindi ako magagalit. Huwag kang matakot."

Umiyak na ako ng todo sa harapan niya. Hindi ko pa kasi alam ang dapat sabihin dahil naguiguilty na ako sa itinatago ko.

Hindi ba niya ako bubulyawan dahil dito? Lalo pa't ang sikreto kong itinatago ay tungkol sa inakala nilang namayapa na si Ford?

May inabot si Gun sa aking panyo at kaagad ko itong kinuha. Matapos ang ilang minuto sa pag-iyak, habol-habol ko pa rin ang aking hininga.

"K-Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo ang l-lahat kung alam ko na sa sarili ko na may alam kana t-tungkol dito?" sa wakas ay nakapagsalita na ako.

Kita kong hindi na seryoso si Gun sa harapan ko. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na baka pinipigilan niya lang ang kanyang sarili na magalit dahil nasa loob kami ng coffee shop.

Loving a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon