Trap 1

111 3 0
                                    

They are now all happy after what they have been through with their friendship.

I'm glad that I could see my friend smiling once again because everything was now over.

Tapos na ang problema sa kanilang barkada.

At dahil dito, matatapos na rin ang ugnayan ko sa kanilang lahat. 
   
  
  
Tiningnan ko munang muli si Hazel bago ipasok ang stretcher ng kanyang hinihigaan papasok sa loob ng ambulansya.

Umalis na rin ang sasakyan kaya di na nagawa ng iba na mapansin ako.

"Shamy, thank you that you came." tinapik ako ni Gun habang siya ay nakahawak sa kanyang injured na kamay.

Ngumiti ako sa kanya at ginantihan ng isang tapik sa balikat.

"Heal yourself out. Mas mabuti kung sumakay ka na sa pangalawang ambulance para ipatingin 'yang mga sugat mo."

"I'm just fine. Don't worry about anything else."

Matapos makipag-usap nila Avery sa mga pulis, nakita kong lumapit sila sa aming direksyon. Sakto at kasama nila si Herza kaya hinila ko siya palapit kay Gun.

"Matigas ang ulo. Ayaw magpagamot. Ikaw lang ang makakatulong d'yan."

Sinagot niya ako sa isang mahigpit na yakap. Nakita ko pang nakatingin sa amin si Avery nang makita ang aming ginagawa.

"I love you, Beshie. Salamat talaga sa'yo at dumating ka."

Hindi ko magawang sabihin sa kanila na si Ford ang tunay na nagligtas kay Hazel. Walang nakakita sa kanya bukod sa akin. Sana at masabi ko rin ito sa kanila na nandito pa rin ang kanilang kaibigan.

Pero hindi pwede.

Ito ang huling bilin ni Ford sa akin bago siya mawala.

Umuna na ako sa kanila para makauwi na agad ng bahay. Habang palabas ako ng lugar, kapansing-pansin ang katahimikan na pumapalibot sa akin.

Kahit gabi na, hindi ako natatakot sa aking dinadaanan. Sobrang dilim sa tinatahak kong lugar pero wala akong maramdamang pangamba.

Kanina ay hindi ako pinapayagan ni Gun na umuwing mag-isa. Si Herza pa ang pumilit sa kanya na hayaan ako sa aking desisyon.

Dahil sa kadiliman ng lugar, muntik na akong matapilok sa isang mahabang ugat ng puno.

Wala na akong makitang liwanag sa paligid dahil malayo na ako sa iba. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants para gawing ilaw sa aking daan.

Dahan-dahan akong naglalakad at ang ingay lamang na mula sa tuyong dahon na aking naaapakan ang naririnig kong tunog sa buong lugar.

Maya-maya'y may naaninag akong isang pigura ng tao na duguan. Nakasandal siya sa isang puno at mukhang walang malay.

Nakilala ko ang kaawa-awang taong ito. Nagdalawang isip pa ako kung tutulungan ko ba siya o hindi. Pero kahit na sa kabila ng kanyang ginawa sa kaibigan ko, nagpasya akong tulungan siya.

Lumapit ako sa taong ito at pinilit na gisingin.

"Allen? Allen! Gumising ka."

Hindi ito kumikibo dahil baka sa mga natamo niyang sugat.

"Please... Gumising ka!"

Dinalangin agad ang aking hiling na sana ay magmulat siya ng mga mata.

Gulat na gulat ito matapos akong makita. Halos maiyak na ako dahil akala ko ay wala na siya.

"Thank G-God... Akala ko... Akala ko wala ka na..."

Loving a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon