Trap 9

58 2 0
                                    

"Shamy, una na ako."

Naiwan ulit sa akin ang Counseling Booth dahil magsisimula na ang afternoon class ni Pres.

I am stuck in this four-cornered room even though it's Valentines Day today.

Kulang na lang ay may bumisita na isang barangay na langgam dito sa F.A.. Lahat kasi ng mga makakasalubong ko sa kahit anong parte ng school ay magkakapares.

As I'm busy sulking myself in the edge of this booth, bumukas ang pinto at may sumilip na palaka.

"Happy heart-heart day, beshie."

Jeez! What's wrong with him?! Ilang beses ko na siyang pinapatigil sa pagtawag sa akin ng beshie!

Bigla tuloy akong kinilabutan! My god!

"What the fudge Gun Alonzo?!"

"Valentines Day pero ang bitter mo ha. Tamang-tama lang ang ibibigay ko sa'yo, beshie."

Kung hindi siya titigil sa pagtawag ng beshie baka ipakain ko sa kanya ang crystal ball na nasa harap ko.

"You looked like a gay, don't you know?"

"May bakla bang may girlfriend?" banat niya sa akin.

"Malay natin at nagpapanggap ka lang."

Padabog niyang inilapag ang isang mahabang chocolate bar sa round table bago umupo sa isang bakanteng upuan.

"And so kung nagpapanggap lang ako..."

"Kitams!--"

"Noon?"

Ha?

"Nagpapanggap kang bakla noon? Para saan?"

"Wala. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko. Hindi mo na dapat malaman pa kung bakit."

Oh! Naalala ko na!

"For Hazel?"

"Shut up, Shamy. Baka bumangon si kuya from 6 feet under the ground dahil dito." biro niya.

"Magaling kung ganon. Para ikaw naman ang ibaon niya sa lupa dahil ang ingay mo."

"Tch."

"By the way, bakit ka ba nandito? Iniistorbo mo ang pagiging loner ko eh."

"Hindi ka pa magpasalamat sa akin dahil sa pagdalaw ko. Isa pa 'yang chocolate na bigay ko sa'yo."

Baka gusto niyang makakita ng lumilipad na chocolate? Ugh. I hate this guy so much.

"Anyways, dumalaw ako sa Counseling Booth dahil magpapacounsel ako."

May inabot siyang 1000 bill sa akin na agad nagpataas ng kilay ko. My goodness. Magkapatid nga talaga sila ni Ford.

"Magtanong ka na. May time limit ang pagtambay mo dito."

"Kaya nga ako nagbayad ng isang libo eh. May time limit pa rin?" pagtatampo niya.

"Don't worry, susuklian naman kita ng 990 pesos."

Mas lalo akong nairita dahil sumenyas siyang huwag na akong magsukli. Yabang talaga nito. Kung nandito lang si Ford, pinag-umpog ko na silang dalawa.

Binuksan ko ang bigay ni Gun na chocolate at kumagat ng kaunti. Hmmp. Not bad. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong kasarap na chocolate. Mukhang mas mahal pa ata siya sa mga Ferrero Rocher at Cadbury.

Loving a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon