Trap 20

33 2 0
                                    

Dahil sa balitang hinatid sa akin ni Kira, nagmadali kaming pumunta sa isang silid kung saan laging namamalagi ang isa sa mga importanteng taga-pagsilbi ng Akuma Clan.

"Ayano-san! Watashi wa sudeni kanojo o anata ni tsurete ikimashita." bati ni Kira sa isang babae na kaisa-isa sa silid at mukhang nagbuurda ng isang tela.

[A/N: Translation - I already brought her to you.]

Pagkakita niya sa akin, tumayo siya at nilapag ang telang hawak bago ngumiti sa direksyon namin.

"Mata aete ureshi, Sami-chan. Tanoshi yoru."

Yumuko ako gaya ng ginawa niya.

"O ai dekite koeidesu." mabuti na lang at medyo may natatandaan akong japanese greetings kaya nabati ko siya pabalik.

[A/N: Translation - 1. Nice to see you again, Sami-chan. A pleasant evening. 2. It's nice to meet you too.]

Ang mga sumunod na nangyari ay tila isang hangin lang dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa paparating na bisita at ito ay walang iba kundi si Akunogami-dono.

"Huwag kang kabahan kapag dumating na siya. Mabait si Akunogami-dono gaya ng kanyang asawa at ng ilan pang tauhan dito sa shrine." sabi sa akin ni Kira noong nagmamadali kami papunta sa main room.

Medyo mabagal akong kumilos dahil ngayon ang unang beses na nakapagsuot ako ng kimono. Sa katunayan nga, noong una ay hindi ako ganung kumportable dahil parang nasisikipan ako at naiinitan sa tela na ewan. Pero habang tumatagal, nasasanay rin ako sa suot ko bukod lang sa parteng masikip talaga ang pagkakalagay sa akin ng sash o yung tinawag nilang obi.

Hindi naman siguro ako tumaba kaya masikip ang kimono?

"Konbanwa."

[A/N: Konbanwa means Good Evening in Japanese.]

Pagkarating sa main room, sinabayan ko si Kira na yumuko sa harap ni Harumi-dono at ilan pang mga taong napag-alaman kong may matataas na tungkulin sa clan. Nandito rin si Altair kung saan hindi maalis ang tingin sa akin dahil siguro sa una kong beses na pagsuot ng kimono.

"Futari tomo jikandorini itte kurete ureshidesu. Haitte kite kudasai. Akunogami-dono o matte iru ma, seki ni tsuite kudasai." bati pabalik sa amin ng mama ni Altair.

[A/N: Translation - I'm glad that both of you went on time. Come in, come in. Please take a seat while waiting for Akunogami-dono.]

Noong makalapit kaming dalawa sa mahabang table, katabi ko si Kira sa kanan at nasa kaliwa naman si Altair na agad ngumiti nang makita ko. Medyo nahihiya pa ako sa kanya that time dahil parang gusto niya akong puriin sa suot ko. Para mabawasan ang kaba, kinuha ko sa aking harapan ang isang tasang oolong tea at humigop ng kaunti.

Maya-maya pa'y may dumating na tagabantay sa labas ng shrine para magbigay ng balita na dumating na ang pinuno ng Akuma Clan.

Dito sa silid, may pumasok na dalawang nakaitim na lalaki bago ko makita ang isang sinasabi nilang si Akunogami-dono na nakasuot rin ng magarang kimono. Seryoso ang mukha nito noong makalapit sa tabi ni Harumi-dono hanggang sa pagbibigayan nila ng respeto sa isa't-isa. Noong humarap siya sa amin, tila nakita kong tumingin siya sa direksyon ko kaya naging triple ang kaba ko noong yumuko kami sa kanyang harapan.

"Relax, he's a good person." bulong sa akin ni Altair noong mapansin niyang nababalisa ako.

Bago pa ako makapagsalita, hinawakan ni Altair ang kaliwa kong kamay at muling bumulong.

Loving a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon