Trap 15

51 2 0
                                    

This is what I want, right? How come that my mind keeps telling me of going with him is much more dangerous and risky?

Is it wrong to choose him among with someone else? Baka ito pa ang maging paraan para isalba ang lahat.

I will assure that leaving everybody behind will save them from the beast who's thirsty of revenge. I will assure that they won't kill the most precious thing I have just like that little friendship I have built with them.

I will assure my life won't get in any danger once again.

Habang tumatakbo kami ni Altair palayo sa bahay namin, nakatingin lang ako sa magkahawak naming mga kamay.

Matapos ang matinding usok sa bahay na tumulong sa amin upang makatakas, tumatakbo na kami palayo sa lahat at handang iwanan sila para matapos ang gulong sinimulan ng kasama ko.

Ngayon ang araw na kung saan papunta ng Japan si Altair. Naguguluhan ako kung bakit ako dapat sumama sa kanya. Akala ko ba hindi na kami pwedeng magkitang muli?

Bakit bigla niya akong binalikan at handang itakas para lamang iligtas sa kung ano mang panganib na nag-aabang sa buhay ko?

Matapos ang mahabang pagtakbo, nakarating kami sa dulo ng village namin at sumakay kaming dalawa sa isang sasakyan.

Pagkasakay ng kotse, pareho kaming tahimik sa daan habang hinihintay na dalhin sa kahit saan mang lugar.

"Why should I need to go with you? Akala ko ba hindi na tayo pwedeng magsama ulit?"

Nakatingin si Altair sa bintana ng kotse at parang wala siyang balak na magsalita.

"Altair, explain to me everything." pilit kong kinukuha ang kanyang atensyon.

Hindi niya ako sinagot hanggang sa huminto na ang kotse at nakita kong nakarating kami sa isang liblib na lugar.

Doon ko lang napansin na mayroong isang malaking private jet sa unahan namin nang bumaba ako ng kotse.

"Al--"

"I'll explain to you everything once we left this place. Now go or I'll shoot."

Walang expression ang mukha niya habang nakatutok sa akin ang hawak na baril. Pagkababa kasi namin ng kotse ay may bitbit na agad siyang armas para siguro madali akong mapasunod sa kanya.

May ilan akong nakitang mga taong naka-suit na nakapalibot sa amin at parang binabatayan ang aming pagkilos. Kung gagawa ako ng hindi nila magugustuhan, maaaring mapasama ako sa kanila.

Wala akong nagawa kundi sundin si Altair. Sumakay kami ng private jet dahil ito ang utos niya.

Noong maramdaman kong unti-unting umaakyat ang private jet, hindi pa rin inaalis ni Altair ang baril na nakatutok sa akin.

Hanggang sa makarating kami sa isang cabin dito sa private jet, doon lang niya itinago ang armas.

Tiningnan ko nang may pagtataka si Altair dahil wala pa rin akong kaalam-alam sa nangyayari. Pareho kaming nagtititigan sa isa't-isa hanggang siya na ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Matagal ko nang alam na gusto kang ipahamak ng ina ni Geu. Naunahan lang ako ng kapatid ko dahil pinagplanuhan kong mabuti kung paano kita kukuhanin sa kanila."

"Bakit kailangan kong sumama sa'yo? Hindi ba't sinabi mo nang hindi na tayo pwedeng magsama muli?" inulit ko ang tanong kanina.

"Doon ako nagkamali. Kung mawala man ako sa kanilang lahat, ikaw naman ang ipapahamak nila."

Loving a BeastWhere stories live. Discover now