Trap 10

56 2 0
                                    

Pagkarating ko sa Free Academy, sinalubong ako ni Patricia sa lobby ng Main Building.

"Patricia." bati ko sa kanya.

Nakatingin lang ito sa akin habang naka-cross arms. May gusto ba siyang sabihin?

"Ano... Bihira lang tayo magkasalubong tuwing umaga dito sa F.A.. M-May sasabihin ka bang importante?"

Pakiramdam ko kasi matutunaw ako dahil sa seryoso niyang tingin. Wala naman akong natatandaang ginawang masama sa kanya.

"Bukas ang birthday ni Hazel. Magpaplano kami mamayang 3 pm para sa surprise. Game ka ba?"

Okay?

"Sure."

Matapos 'non, bigla siyang ngumiti sa akin at kinawayan ako.

"Sige. Okay na. Kita-kits sa Head Office mamaya ha? Bye Shamy!"

Napilitan tuloy akong ngumiti dahil sa mabilis niyang pagpalit ng mood.

Pagkarating sa classroom, nakita ko si Herza na busy makipagchismisan sa isa naming blockmate.

Friday pala ngayon. Walang subject si Hazel tuwing gantong araw. Maraming oras sila Patricia para magplano sa birthday niya.

"Good morning Beshie!"

Saktong pagkaupo ko sa upuan, napansin pala ko ni Herza na dumating sa classroom.

"Morning."

"Kinausap ka ni Patricia kanina?"

"Uhh... yah. Bakit?"

"Oh~ So, sasama ka rin pala sa plano nilang i-surprise si Hazel?"

For sure hindi surprise ang nababagay na word para sa plano nila. Hazel hates surprises.

"Suprise? Parang hindi naman malaking pakulo ang gagawin nila Patricia bukas eh."

"Sabagay, ayaw nga pala ni Hazel  nasosorpresa ng todo." I told yah.

"Sa Head Office daw tayo pupunta at 3 pm. It means kasama rin sa magpaplano si Gun?"

"Yup. Baka kasi bumisita si Hazel mamaya kaya kailangan natin ng magandang pagtataguan." mukha kaming gagawa ng kasamaan dahil sa sinabi ni Herza.

After our class in Statistics, dumiretso ako sa rooftop ng main building dahil vacant time.

Halos dalawang oras pa kasi ang hihintayin namin bago ang Thermodynamics 2 kaya magpapalipas muna ako dito sa rooftop.

Ah. What a nostalgic place it is.

Ang daming nangyari last year na hindi maganda para sa aming lahat.

Sobrang tahimik ng paligid. Dahil mataas ang main building ng Free Academy, hindi gaanong nakakarating ang ingay dito mula sa baba.

May dala akong sandwhich at libro ngayon dahil masarap magpalipas ng oras sa isang mapayapang lugar.

"It's almost two months since the death of my aunt."

Pero hindi pa rin ito ang mas inaalala ko.

Palagi ko pa ring hinahanap-hanap si Allen.

Gusto kong makita ulit si Altair.

Tumingala ako sa langit at nakita ang asul nitong kulay.

The bluish color of the sky could calm myself from everything.

Pakiramdam ko ay naaabot ko ang langit dahil sa magaan kong pakiradam sanhi ng magandang tanawin.

Loving a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon