Trap 2

60 3 0
                                    

Pagkagising ko, madilim ang buong paligid dahil gabi na ulit. May ilaw naman sa salas pero ramdam kong wala ng liwanag sa labas.

Tatayo na sana ako nang makita ang aking punit na pantalon. Halos umabot na ito sa kalahati ng aking hita at ang nakakapagtaka pa ay isang telang nakatali sa aking binti na ubod ng pula dahil sa dugo.

May tuyong dugo na nakamantsa sa puting tiles ng bahay namin dahil sa akin.

Kita ko ang kalat sa aking unahan kung saan nakita ko pa ang isang patalim na may mantsa rin ng dugo.

Pagkakita ko sa isang maliit na metal, pupulutin ko sana ito nang may makauna sa akin.

"You almost died from this chunk of steel. But it did gave me a thrill to see the beauty of red on you."

Nakangisi si Allen at bigla na lang itinapon ang maliit na bala sa isang parte ng salas namin.

"Why did you... saved me?" I asked.

Alam kong hindi ako makakahanap ng matinong sagot mula sa isang hindi matinong tao.

"I am found of taking care of red roses since I was a kid. Hindi ko sila hinahayaang mamatay. Dahil alam mo ba kung gaano kaganda ang mga bulaklak na may taglay na kulay dugo?"

He is really an insane. Kanina pa siya tuwang-tuwa tungkol sa dugo.

Pinilit ko ang aking sarili na makaalis sa lugar na 'yon. Kailangan ko pang linisin ang salas dahil sa duming naidulot ng aking pagkapahamak.

Kaso wala pa akong lakas para kumilos kung kaya't ang nagawa ko na lang ay umakyat sa kwarto para mahiga sa kama.

Habang nagpapahinga, nakatanggap ako ng panibagong mensahe mula kay Mabel. 
 
   
    
From: Mabel

Shamy, hindi kami umuwi ng bahay. Nandito pa rin kami sa ospital. Kung gusto mong pumunta ulit, pumunta ka. Ako lang kasi ang nagbabantay kay Hazel.  
  
   
  
Paano ako makakapunta sa ospital kung ganito ang kondisyon ko? Mahihirapan ako sa pagbyahe kahit pa gumamit ng sariling kotse. At ang problema pa d'on, makikita nila ang tinatago kong sugat.

Imbis na replyan si Mabel sa pagtanggi kong bumalik ng probinsya nila, pinilit ko pa rin ang sarili ko na bumangon mula sa kama.

Matapos ang pag-aayos sa sarili, biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at bumungad si Allen doon.

"Hindi ka pa rin nadadala." sabi niya.

Pilit niyang hinaharangan ang daan kaya hindi ako makaalis ng kwarto.

"Padaanin mo ako."

"Alam mo ba ang mangyayari sa'yo kung malalaman nila na tinatago mo ang hinahanap nilang halimaw?"

Gun and the others will doubt if I'm an ally or not. Wala silang alam na may nararamdaman ako sa isang halimaw na nasa aking harapan.

Hindi nila maiintindihan ang rason ko para ipagtanggol siya. Oo, alam ko ang mangyayari sa akin kapag nalaman nila na nandito si Allen.

Hindi ko sinagot si Allen dahil baka kung ano pa ang mga sabihin niya para takutin ako.

Dahil wala siyang napala sa akin, hinayaan na lang niya akong makaalis sa kwartong 'yon.    
    
      
       
!¤!♡!¤!   
         
        
         
Pagkarating sa ospital, bumungad sa akin si Gun na nakaupo sa lounge ng lobby.

Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Allen kanina tungkol sa pagtatago ko ng isang delikadong tao.

I am also afraid that they will accuse me of being a traitor. Magagalit silang lahat dahil itinatago ko ang isang taong makapagbibigay ng hustisya sa pahamak na natanggap namin.

Loving a BeastWhere stories live. Discover now