Trap 22

54 2 0
                                    

Matapos magising, nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa futon at pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.

There was nothing happened beyond the kiss except the fact that I have been so happy last night with Altair.

Wait, nasaan kaya si Altair ngayon? Kung kasama ko siya magdamag kagabi, dito kaya rin siya natulog?

Nakita ko ang isang side ng futon na medyo magulo kaya bigla akong napahawak sa kwelyo ng blouse. Hindi kaya't may ibang nangyari kagabi na hindi ko matandaan?

No. Altair won't do that to me. Pero lalaki si Altair at pareho kami ng nararamdaman...

"Wala! Walang nangyari!"

Wala naman akong nararamdamang iba kaya alam kong walang mas hihigit pa sa halik ang nangyari sa amin kahapon.

Noong patayo na sana ako mula sa futon, bumukas ang pinto at nakita si Kira na nakangiti sa akin.

"Ohayou!" pagbati niya sa akin na halata mong masaya.

"Uh... magandang araw rin."

"Dala ko ang breakfast mo. Umalis kasi si Kuro-san kaya ako ang inutusan niyang hatiran ka ng niluto niyang pagkain."

"Saan daw siya nagpunta?"

"I don't have any idea. Wala siyang sinabi sa akin eh. Pero babalik naman agad siya. Miss mo na ba?"

Pakiramdam ko'y nag-init bigla ang mukha ko dahil sa tanong niya.

"H-Hindi ah!"

"Ang pagkakaalam ko, magkasama ata kayo dito buong gabi. Hmmp, dito rin ata siya natulog sa kwarto mo kasi wala siya sa dalawa niyang kwarto."

Hindi ko nga alam yung ibang nangyari kagabi eh.

"Anyways, you should eat your breakfast now. C'mon, baka bumalik na si Kuro-san at sabihing 'di ko binibigay sa'yo ang pagkain."

Iniwan ako ni Kira na nag-iisa sa kwarto matapos hatiran ng almusal dahil may iba pa siyang gagawin dito sa shrine. Noong tiningnan ko ang pagkain, parang kinakabahan ako na ewan habang inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.

Hindi ko naman siguro magagawa ang isang bagay na malimit kong pinapayo sa iba na huwag gawin. Lalo na yung kahit mahal mo ang isang tao, may tamang oras para ibigay mo ang iyong sarili sa kanya dahil hindi naman kailangan pinagmamadali ang lahat.

What if I have surrendered myself last night towards Altair?Ahhhhh! Nahihibang na ata ako!

"Bakit kasi hindi ko maalala ang iba pang nangyari kagabi?" bulong ko sa aking sarili.

Habang kumakain, napatingin ako sa bintana at nakitang namumulaklak ang cherry blossom tree na nakatayo sa tapat nito.

At dahil sa punong 'yon, halos magpasalamat na ako sa lahat ng santo at santa nang maliwanagan ako sa mga nangyari kagabi.

"We really did slept together on that futon last night. That's it. Wala na talagang ibang nangyari."

Sa kalagitnaan ng pag-aalmusal ko, bumukas ang sliding door at muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat.

"Ngayon ka pa lang kumakain?" tanong ng bagong dating.

"Oo eh. Halos kakagising ko lang kanina."

Pinagpatuloy ko ang pagkain at hindi siya magawang tingnan sa mata dahil para akong napapahiya ngayo't magkasama na ulit kami sa iisang kwarto.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng awkward sa pagitan naming dalawa.

Loving a BeastWhere stories live. Discover now