Trap 13

31 2 0
                                    

Pakiramdam ko, mas mapapadali ang buhay ko kung hindi na kami magkikita pang muli.

Pinigilan ko ang pareho naming mga duyan para tingnan siya mata sa mata. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Ibig ba nitong sabihin, totoong pupunta siya ng Japan at iiwan ako dito?

"Then... you did used me." mahina kong sabi sa kanya bago magpatuloy ang ilang mga luha na bumagsak mula sa mga mata ko.

I can't help but cry in this situation since I don't have any courage to surrender him to them. Pinangako kong poprotektahan siya kasabay ng pagprotekta ko sa grupo nila Hazel mula sa kanya.

Hindi ko kayang sumuko dahil lang sa mapanganib ang buhay ko kung nandito man si Altair sa aking tabi. Mas mahalaga sa akin na protektahan ko ang iba kaysa ang sarili kong buhay.

"Altair, you promised me that I will return in my house when everything's already ok. Hindi mo ba tutuparin ang pangakong 'yon?"

"Shamy, I'm sorry."

"No! Altair! Please!--"

Dahil pareho kaming naghihilahan sa kanyang duyan, sabay kaming bumagsak sa damuhan. Hindi na ako bumangon pa noong makita ko ang mga sarili namin na nandito sa lupa.

I'm going to lose someone again. Noon lang ilang mga taon, nawalan ako ng mga matalik na kaibigan dahil sa isang tao na inaakalang wala na dito sa mundo.

Allen is one of my few friends that I have when they were already gone. Bukod kay Herza, mas malimit ko siyang pagkatiwalaan at makasama kapag sa ganitong sitwasyon.

It was already dark on the spot where we are right now. Mabuti na lang at malayo ang poste sa amin para hindi niya makita ang basa kong mukha.

This is too much painful. Ngayon pa lang na namamaalam na sa akin si Altair bago umalis, hindi ko kakayanin na mawala rin siya at maiwan na naman akong lumalaban ng mag-isa.

Is it really impossible to tame a beast like him?

Is this what I could only do to save him from what he is thinking about himself?

I hope that this won't be our last meeting.  
     
     
    
!¤!♡!¤!    
    
   
   
"Shamy."

Matapos ang pagkikita namin ni Altair sa playground, halos araw-araw akong walang ganang pumapasok sa school. Alam kong napapansin rin ni Herza ang pagkatamlay ko pero wala na akong pakialam kung ganito nila akong nakikita.

Kahit pa dumating si Gun sa loob ng Counseling Booth, wala akong ganang prangkahin ito dahil sa mga nangyari noong huli kaming nagkita ni Altair.

"Ok ka lang ba?"

Kung nasa mood ako ngayon, siguro ay nakatanggap na ito ng pagsusungit ko. Pero wala eh, walang gana ko siyang tiningnan at inabot ang phone ko.

"Hindi. Wala ako sa sarili na makipagprangkahan sa'yo eh."

Tumaas ang isang kilay ni Gun hindi dahil sa bago kong cellphone. Nagtataka na talaga siguro ito sa kakaiba kong kinikilos ngayon.

"I won't deny that I'm doubting on how your mind has changed unexpectedly since you already have a new and shiny iPhone 8 Plus today. Hindi rin ako nabobother kung bakit sa lahat-lahat ng pwedeng kulay nito ay kapareho rin ng iPhone 8 Plus ko. What's wrong with you, Shamy? Bakit wala ka sa sarili?"

Imbis na sagutin siya, hinablot ko yung phone ko at mukhang hindi niya naman ito gustong hiramin.

"None. Kung tapos ka na magtaray sa akin, you may leave. Hindi pwedeng magcounsel ang problemadong adviser."

Loving a BeastWhere stories live. Discover now