Kabanata 52

2.5K 88 6
                                    


Napagpasyahan nila Felicitang maghiwa-hiwalay. At sa simbahan sa Quiapo ay do'n sila magkikita ng ala-siyete ng gabi, kung sa'n tahimik at halos patulog na ang lahat. Do'n sila hahanap ng t'yempong makapasok sa tahanan nila Nacio.

Alam nilang hindi magiging madali ang kanilang gagawin. Alam rin nilang alerto na ang mga sundalong militar dahil sa mga pangyayari. Sa ngayon alam nilang napansin na ng mga sundalo ang pagtakas ni Lucila. Tinutugis at hinahanap na sila ng mga awtoridad.

Hindi na sila nagpaalam sa isa't-isa at tumuloy nalang sa plano. Nahati sa tatlong grupo ang pangkat nila. Kasama ni Rheden si Marina at Caloy sila ang nagpapatakbo ng awto. Si Fabio at Lucila naman ay maglalakad, gano'n din si Felicita at Nacio.

Kalmado lang na naglalakad ang dalawa, pero alerto ang kanilang mga mata. Habang naglalakad ay hindi makalimutan ni Felicita ang sinabi ni Marina bago tuluyang sumakay ng awto, "Kasalanan ko 'to, hindi na dapat ako tumakas. Lahat kayo ay nadadamay."

Tinugunan niya ang kaibigan, at sinabihang, "Wala kang kasalanan, kung sino man ang mali ay si Señor Arturo 'yon. Hindi makatarungan na pahirapan ka niya nang ganito. Wala kang kasalanan, mabuti kang tao at mabuting ina. Nais mo lang na protektahan ang anak mo."

Napabuntong hininga nalang siya matapos itong maalaala.

"Ayos ka lang ba? Napapagod ka na bang maglakad? Nais mong magpahinga muna?" sunod-sunod na tanong ni Nacio.

Umiling naman siya, "Ayos lang, hindi dapat tayo tumigil sayang ang oras," pagtugon ni Felicita.

Alam ni Felicita na ang makarating do'n nang mas mabilis ang tangi nilang magagawa para maging ligtas. Kailangan lang nilang palipasin ang oras para makapasok kaagad nang walang nakakapansin. Ngunit ngayon na naghihigpit ang militar alam niyang malaki ang t'yansang mabibigo sila, pero hindi siya nawawalan ng pag-asa.

Napatingin nalang siya kay Nacio. Hawak-kamay silang naglalakad. Sa pagtitig sa kasintahan ay napangiti siya.

"Sa piling mo, lagi akong nakakakita ng pag-asa."

***

Malapit na sila Rheden sa simbahan ng Quiapo. Iginilid niya lang ang awto sa tabi ng isang pamilihan at kaagad na silang nakihalubilo sa mga tao. Ngunit hindi pa sila nakakalayo ay agarang nakita ni Marina ang mga nakapaskil na guhit ng mga mukha ng kanyang nga kaibigan sa ilan sa mga pamilihan. Wala ang sa kanya rito.

Mukhang hindi pa sila nahahanap, ay nakapaskil na ito, dahil ang mga papel ay hindi na mukhang bagong paskil lang. Ang ilan din ay may sulat at pinaglaruan na.

Pagkatapos siguro ng pagatake ay do'n nagising ang mga militar sa kanilang kaso. Sa pakakaalam nila walang nakitang ganito sila Felicita nang huling beses na lumabas sila.

Napatigil sila lahat dahil dito.

"Bakit wala ang ang guhit ng sa'yo Marina?" pagtatanong ni Caloy, hindi pa nga pala nila nasasabi sa mga ito ang dahilan ng pagtakas ni Marina.

"Akala nila ay tinakas ako ni Rheden, pinagbibintangan siya na kumuha sa akin. Ang buong akala nila ay biktima ako, ngunit kusa akong umalis," pagtugon ni Marina kay Caloy na napatango naman.

Kaagad namang hinatak ni Rheden ang kamay ni Marina, "Ang mabuti pa ay humanap na muna tayo ng lugar na mapupuntahan. Maaaring ang mga liblib na eskinita ay hindi ligtas. Ang mga militar, pupuntahan nila ang mga lugar na maaari nating pagtaguan. Mabuting umaktong namamasyal lang, pero bago iyon idikit mo muna ang aking bigote," sambit ni Rheden.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon