Kabanata 13

4.3K 182 0
                                    

Kinabahan ako sa tono ng boses ni Clair ramdam kong may kakaiba at hindi tama..

"Clair? Ayos ka lang ba?" tanong ko at mahahalata sa boses ko ang pag-aalala.

Rinig ko ang hagulhol niya sa kabilang linya, "Clair? Anong problema?"

Blanko pa rin at tanging hagulhol niya lamang ang naririnig ko.

"Dea kasi.." may panginginig sa boses niya.

Kaagad na bumalot sa akin ang kaba dahil sa paputol-putol na pagsaad niya at pag-iyak niya.

"An-o yun Clair?" pautal kong sabi.

"Kasi.." 

"Bakit?" Ilang segundo pa ang lumipas at tanging ang hagulhol lang ni clair ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Buntis ako." 

Tila naghalo ang pagkagulat at awa sa reaksyon. Paano? Napakabata pa niya at hindi pa tumutuntong ng desi-otso.

Ilang sandali akong natahimik tila hinihintay na magsink-in ang sinabi niya, "Ano? Anong nangyari?"

"Hi-Hindi ko alam, niyaya nila ko magparty hindi ko alam. Hin-di ko alam kung anong nang-yari." napasapo nalang ako sa ulo ko.

Galit naman ang nangibabaw sa 'kin, kung ando'n ako sana napagbawalan ko siya. Sana at hindi nangyari and hindi dapat mangyari. Iba na talaga ang mga tao sa paligid ngayon.

"Sorry clair wala ako sa tabi mo no'ng mga panahong 'yun, sana ando'n ako sa tabi mo."

"Wala kang kasalanan by, hindi ko lang alam kung anong gagawin ko nga-yon hindi ko alam." patuloy lang siya sa paghagulhol.

"Sino? Sino ang gumawa n'yan sa'yo?" tanong ko nanginginig na rin ang mga kamay ko.

"H-ndi ko alam nagising nalang ako na phone ko lang ang nasa tabi ko, Dea wala akong maalala," dismayadong sambit niya.

"Paano sino, sinong nagyaya sayo clair ba't hinayaan lang nila mangyari yon?"

"Hindi ko sila masyadong kilala nakasama ko lang sila nang magsummer job ako, hindi ko sila macontact bigla silang naglaho."

Isa lang ang pumasok sa isip planado siguro lahat nang nangyari.

"Clair may nagkakagusto ba sa'yo do'n?"

Ilang sandali siyang natahimik pawang nag-iisip,"Si si.. Ian McDermott, pero hindi, hindi p'wede." 

"Ian?" tanong ko at sa hindi malamang dahilan ay napakapamilyar ng pangalan.

"Oo, nagkagusto siya at nagtangkang manligaw, pero hindi ko siya pinayagan. Aaminin kong may pagtingin rin ako sa kanya, pero iba ang kan'yang ugali. Hindi ko lang akalaing kaya niyang gawin 'to." 

"Hindi tayo nakakasigurado Clair pero isa siya sa p'wedeng gumawa no'n nasabi mo na ba sa mama mo?"
tanong ko, medyo kumalma na rin ako.

"Hindi pa ikaw pa lang sinasabihan ko, hindi ko pa kayang humarap sa mga tao."

"Naiintindihan kita by, pero kahit anong mangyari andito lang ako." sambit ko.

Narinig ko naman sa kabilang linya ang pagtawag ng mama niya. Ilang sandaling nakahold ang tawag.

"Sige by kailangan ko na ibaba papunta na si mama." bulong niya.

Hindi pa ako tuluyang nakakapagpaalam ng ibaba niya na ito.

Napabuntong hininga nalang ako
Masyadong maraming pangyayari ang nagaganap.

Kung maaari lang ay, gusto ko siyang puntahan kung, pero naalala kong may pupuntahan pala kaming kasal sa susunod na linggo.

Kinuha ko ang phone ko at nag open ng Facebook sinearch ko sa friendlist ni Clair si Ian Mcdermott, pero walang lumalabas. Siguro ay blinock at inunfriend na siya nito.

Napabuntong hininga nalang ulit ako at napaupo sa kama

Ilang minuto akong tulala nang maisipan kong hanapin ang diary ni Lola Ayla at nakita na may bagong sulat ito.

Dear diary,

Matagal-tagal din akong nagkasakit kung ano ang rason nito ay hindi ko alam. Ramdam ko rin ang labis na takot ko noong naligo kami sa batis. Hindi naman ako mahilig magpunta roon noon ngunit dahil kay Nacio nakapunta ako.

Nakikita ko ang pagbabago sa aking sarili. Ito na ba ang pagdadalagang sinasabi nila? O ito ba'y dahil sa ako'y umiibig na? Ngunit hindi maaari dahil.. Hindi kami p'wedeng dalawa nakalulungkot mang isipin iyon ngunit kailangan kong tanggapin.

Ayla

Hindi maaari at hindi p'wede bakit naman? Dahil kay Marina pero pinsan lang iyon ni Nacio hindi ba?

Mas lalo naman akong naguluhan at natakot paano kaya kung may mga bagay pa 'kong hindi nalalaman at marami pa 'kong dapat alamin?

--

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz