Kabanata 2

13.4K 415 20
                                    


Naglakad ako papunta roon at isang library ang nakita ko. Maraming libro at may desk na nasa gitna.

"May tao po ba?" No one responded and my voice echoed the dusty room.

Naglibot ako at nakita ang librong Florante at Laura may full version nito si lola. Kaso maalikabok na'to. Hindi siguro ito nalilinis masyado ni Aling Lenny sabagay may katandaan na rin kasi sya. Binuklat ko iyon at binasa sa may desk.

-Kay Celia-
Francisco Balagtas
Florante at Laura, 1838
(Talata labing apat)

Nasan si Celiang ligaya ng dibdib?
Ang suyuan nami'y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa n'yang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?

Tinakpan ko ang bibig ko nang mapahikab sa kalagitnaaan ng pagbabasa. Nakakaaantok 'di rin kasi ako nakatulog nang maayos sa biyahe, halos dalawang oras lang ang tulog ko kanina.

Ibinaba ko na ang libro. Naglakad-lakad pa 'ko at dito ko na napansin ang kaisa-isang librong nakahiwalay sa ibang libro.

Nakalagay iyon sa isang transparent na lalagyan kaya makikita mo na agad ang title ng librong yun. 'Diary 1941' kinuha ko iyon at binuksan ang mga pahina.

Sorry lola curiosity kills the remedy of a boring life.

Pero ikinagulat kong walang laman iyon. Hindi nga pala ito kay Lola, sa mama n'ya to may nakaukit na naman kasing, 'Leonidas Felicita Ayla Solon'

Isasarado ko na sana ang libro, pero may nahulog na litrato. Dinampot ko iyon at nakita na naman ang picture ng mama ni lola at may katabi s'yang lalaki na parang kasing edad lang n'ya. Nakaakbay ito kay lola.

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang pintig ng puso ko ng makita ang lalaking katabi ni lola.

Gwapo ito at may matipunong pangangatawan. Napakapamilyar ng kan'yang mukha. Parang nagkita na kami hindi ko lang alam kung kailan.

Kung susuriin ang litratong ito at ang portrait ni lola sa sala mukhang masaya siya rito... Ang saya nilang pareho.

Dinala ko ang libro sa k'warto at inayos na rin ang mga gamit ko kaso nakalock ang mga cabinet. Bumaba ako para hingin kay Aling Lenny ang susi.

Sa kan'ya na kasi iniwan ni papa. Hinanap ko siya hanggang sa nakita ko siya sa may bakuran na nagdidilig ng halaman.

"Aling Lenny."

Ilang minuto siyang nakatitig sa'kin bago nakapagsalita.

"Oh? 'La Fely ay este ano nga ba'ng pangalan mo Ineng?"

"Deane po may susi po ba kayo sa mga cabinet sa k'warto ko? Nag-aayos po kasi ko ng gamit." Iginilid niya muna ang pandilig.

"Ah, halika sundan mo ako." Pumunta siya sa kanyang silid at binuksan ang mga drawer sabay bigay ng susi.

"Salamat po," saad ko at kinuha agad ang susi, at nagmadali nang umakyat.

Binuksan ko na ang mga cabinet sabay pasok ng ilang mga damit. Ilalagay ko na sana ang ilan ko pang gamit ng may makapa akong box.

Ang daming hidden things dito, feeling ko tuloy nasa isa kong adventure hunt. Kinuha ko ang box at binuksan. Litrato na naman ng mama ni lola, ano kaya p'wedeng I-nickname sa kan'ya? Lola Ayla? Hmmm.. Hindi ko naman siya lola. Lola siya ni papa pero parang gano'n din naman 'yun 'di ba?

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now