Kabanata 9

5.8K 219 8
                                    


Tatlong araw na 'ko dito sa bahay at limang araw na simula nang umalis si kuya.

May bandage pa rin ang ulo ko dahil sa pagkakauntog at pagkakatama sa bato, ni hindi ko manlang napansin na nauntog pala ako.

Nasa k'warto lang ako nagpapahinga nang maisipan kong tawagan si Clair.

The number you have dialed is busy at the moment please-

Bago pa matapos ang operator magsalita ay agad ko na itong pinatay.

Bahagya akong napatingin sa desk na pinaglagyan ko ng diary ni lola gano'n pa rin ito. Hindi nagagalaw p'wera lang sa isang sobreng nakaipit sa libro. Kanino naman kaya 'to mangagaling? Wala akong naaalalang may inipit akong sobre rito.

Agad ko itong kinuha.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtantong galing kay Nacio ang sulat na 'to.

Binuksan ko ito at binasa.

Fely,
Ah? Saan ko ba sisimulan itong mensahe na binalot sa puting papel ng sobre?

Napatawa ako ng kaunti sa panimula niya.

Kumusta? Nabalita sa'kin ng kapatid mo ang pagkakasakit mo. Yayayain pa naman sana kitang mangisda ulit nagyaya kasi si Marina. Ngunit dahil nga sa iyong kalagayan ay pinagpaliban nalang ito. Namitas rin kami ng mga mansanas at ibat-ibang prutas sayang at wala ka. Pagaling ka't magpalusog

Ang iyong kaibigan,
Nacio.

Marina...

Tinabi ko agad ang sulat nang may kumatok sa pinto.

"Deane, kain na hintayin ka namin sa baba," sambit ni mama.

Agad akong nagbihis at bumaba. Sinalubong ako ng apat na tao sa hapag agad akong napangiti.

"Kuya!" at sa tabi naman nya si Ate Aries.

"Ate Aries!" agad akong pumunta sa tabi nila at yumakap.

Windang pa rin ako, hindi ko inakalang nandito na sila, "K-umusta Ate?"

Ngumiti siya pero may lungkot sa mata, "So far so good buti na nga lang ando'n Kuya Danic mo."

"Condolence ate," malungkot kong sabi nang maalala ang pagkawala ng mama niya.

Medyo naluha ang mata niya dahilan para yakapin siya ni kuya.

"Tara na't kumain. Lumalamig ang pagkain," ani mama.

Habang kumakain ay kinakausap nila mama  si Ate Aries at kinocomfort ito.

Maayos na rin sila ni kuya. 'Love is stronger than circumstances' daw, edi sila na.

Si Nacio kaya kumusta? Miss ko na rin si Kuya Rheden kaso sabi ni mama kailangan ko pa muna nang pahinga.

Pagkatapos kumain umalis muna sila Ate Aries, "Alone time muna," ani ni kuya bago sila lumarga.

Ako naman andito sa bakuran nagdidilig ng halaman. Ilang beses akong napagpasabihan ni mama dahil kailangan ko daw nang pahinga, pero nakakabagot na talaga sa k'warto.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now