Kabanata 49

3.6K 133 26
                                    


Ilang segundo silang nagkatitigan lahat, pawang nakikiramdam sa paligid. Lumipas ang dalawang ulit na pagkatok na walang gumagalaw sa kanila.

Hanggang sa si Lucila na mismo ang nagpresinta na buksan ang pintuan. Bago mabuksan ni Lucila ang pintuan ay nagtago silang lahat sa isang k'warto.

Inayos muna ni Lucila ang kanyang postura at pinakalma ang sarili. Huminga siya nang malalim bago pihitin ang lock ng pinto.

Pagkagulat lang ang tanging naging reaksyon ni Lucila dahil sa isang yakap ang sumalubong sa kaniya.

"Pinsan! Kumusta? Buti nalang at nakita kita kanina na bumaba ng awto. Hindi ka manlang nagpasabi na uuwi ka na. Heto, nagluto si Inang ng puto at pansit. Hinintay ko pa siyang matapos magluto bago makapunta rito."

Tinanggap naman ni Lucila ang bayong na dala-dala ng pinsan,"Ah, maraming salamat Vergel pinsan saktong-sakto at palabas na rin ako ng bahay nais kong magkape. Halika, sa pansitan na natin 'to pagsaluhan," sambit ni Lucila.

"Ah gayon ba, ngunit parang nakita kong may bisita ka dinamihan ko pa naman ang pansit..." bago pa matapos ang sasabihin ni Vergel ay kaagad nang sinarado ni Lucila ang pintuan.

Pakarinig nang pagsara, sumilip muna si Nacio para mag-usisa at staka lamang niya sinenyasan ang mga kasama na lumabas na.

"Nasing, bunso mabuti pa ay magpapahinga na muna kami ni Marina," sambit ni Rheden habang nakaalalay kay Marina.

"Sakto, buti nalang at inayos ko na ang k'warto kanina," sambit ni Felicita.

"Kami rin ay magpapahinga na muna, ayos lang bang humiga rito sa sofa?" sambit ni Fabio.

"Nako hindi na, doon na kayo sa k'wartong tinulugan ko kanina sa harap lamang ng k'warto nila Marina. Ngunit sandali ihahanda ko na muna ang gamot ni Caloy kung sakaling sumama pa ang pakiramdam niya."

Ngumiti naman si Fabio at staka nagpasalamat. Pagkatapos maibigay ni Felicita ang gamot ilang sandali ay siniko ni Caloy si Fabio, "Halata sa ngiti mo, ang pagkahumaling kay Felicita akala mo ba ay hindi kita kilala."

Napakamot naman sa batok si Fabio, "Tumigil ka, paghanga lamang. Alam kong kay Señorito Nacio na siya."

Mabuti na lamang at abala sa pag-aayos sila Felicita kung kaya't hindi nito narinig ang kantiyawan nila Caloy.

Hindi rin niya pansin ang pagtitig ni Nacio sa kaniya. Nagulat nalang siya nang yakapin siya nito sa kanyang likod. Haharap sana siya ngunit pinigilan siya ni Nacio.

Ilang segundo nagtagal ang ganoon nilang p'westo, hanggang sa binasag na ng binata ang katahimikan.

"Mahal kita, Felicita. Ikaw ang aking bawat bukas. Ikaw ang pag-asa. Ikaw..."

Hindi na natapos ni Nacio ang sasabihin dahil agarang humarap si Felicita at hinalikan ang binata.

Ilang minuto itong nagtagal. Ramdam nila ang kapayapaan sa piling ng isa't-isa. Ang lahat ng bagay ay gumagaan at gumiginhawa pagka't sila'y iisa sa pagharap ng bawat pagsubok at problema.

***

Isang buwan na ang lumipas na sila'y magkakasama. Makalipas ang dalawang linggo pagkatapos nilang matakasan ang mga militar ay tila humina na ang pagpapatrol nito. Nabalitaan nilang abala ang mga ito sa ibang aktibidad at pag-eensayo sa militarya dahil na rin sa mga balita at banta ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Dahil dito kahit papaano ay lumuwag ang kanilang pakiramdam, madalas na rin silang nakakalabas-labas nang hindi napapansin. 

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now