Kabanata 43

3K 148 10
                                    

A/N:
Magandang araw! Nais ko lang ipabatid na gagamit na ako ng third person's point of view, since hindi ko manarrate ang ibang kaganapan sa storya na nasa point of view lang ng bida. Ang hirap gumawa ng eksena na hindi siya kasama, kaya paumanhin man kung maninibago kayo rito.

Maligayang pagbabasa! :)

--

Paulit-ulit na hinahaplos ng isang dalaga ang kan'yang tiyan habang nakatingin sa salamin. Napangiti ito at tila napakasaya niya.

Naging masama ang pakiramdam niya noong mga nakaraang araw, palagi siyang nagsusuka kaya't minabuti niyang magpatingin. Do'n lang niya nalaman na siya ay nagdadalang-tao.

Nagmamadali na siyang nag-ayos. Pupuntahan niya ngayon ang kan'yang nobyo para ipaalam ang magandang balita.

Mahaba-habang biyahe ang kan'yang pupuntahang destinasyon. Kailangan niya sumakay ng kalesa, dalawang oras na biyahe gamit ang awto, sumakay sa barko at isang oras na pagbiyahe sa bangka.

Nang makarating ay halos mahilo siya sa pagod. Sinalubong naman siya ng kan'yang nobyo na kakatapos lang magsaka.

"Sinabi ko naman sa'yong 'wag kang babiyahe mag-isa, at hangga't maaari ay ako na ang dadalaw sa'yo," sambit ni Rheden habang inaalalayan papunta sa kanilang tahanan si Marina.

"Kaya ko naman, 'wag kanang mag-alala. Kumusta ang kalagayan ni Fely?"

"Gano'n pa rin, hindi pa rin siya nagigising." Mababatid ang labis na pag-aalala sa boses ni Rheden.

Halos isang buwan na rin ang nakalipas simula nang maganap ang aksidente. Marami rin ang nagbago sa isang buwan na iyon.

Halos manlumo ang kanilang ama na si Florentino nang malaman ang balita. Isinumpa rin niya ang kan'yang sarili at ang mga bagay na nagawa niya sa kanilang pamilya.

Do'n lang rin niya napagtanto na hindi mahihigitan ng anumang bagay ang pamilya. Ang pagmamahal, oras, at kasiyahan—mga bagay na hindi nabibili, ito ang tunay na kayamanan.

Wala na ngayon sa kanila ang dating karangyaan, namumuhay nalang ang pamilya Solon sa isang isla na nagngangalang Capul.

Minabuti nalang rin niyang pagbayaran ang kanilang utang sa paraang hindi ang kan'yang sariling anak ang magbabayad.

Naging ganoon man ang kanilang sitwasyon nababatid ng kanilang ama na maluwag na ang kalooban nito at hindi na rin siya binabagabag.

Patuloy pa rin naman sa pag-aaral si Rheden sa kabila ng lahat ng nangyari. Isang taon na lamang ang kan'yang igugugol dito kaya patuloy sa pagkayod at pagtrabaho ang kan'yang mga magulang para lang makapagtapos siya at para na rin sa pangtustos ng mga gamot na kinakailangan ng kanilang pangalawang anak na si Felicita.

Pinunasan ni Marina ang tumatagaktak na pawis sa noo ni Rheden. Mahahalata ang pagod nito aa maghapong pagtulong sa kaniyang ama.

"Nais ko ring mag-abot ng pera para sa mga gamot na kailangan ni Felicita, heto," saad ni Marina at nag-abot ng salapi.

Napailing-iling naman si Rheden, "Hindi na, masyado kanang maraming naitulong sa amin."

"Kung hindi mo ito kukunin, ay bahala ka. Iiwan ko pa rin ito rito sa lamesa," tugon ni Marina.

Kinurot naman siya ni Rheden sa pisngi, "Napakakulit talaga ng aking nobya."

Napa-aray naman si Marina at napahimas sa pisngi niyang mamula-mula na.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal na silang magkasintahan, at palihim na nagpapalitan lamang ng sulat. Madalas din nagkakahiyaan ang dalawa tuwing nagkikita, kaya hindi masyado nahalata ang relasyon nila. Bukod do'n ay malaki rin ang takot ni Marina kay Señor Arturo kaya minabuti nilang itago ang lahat.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now