Kabanata 33

3K 134 0
                                    


Mukhang kakarating lang ni General McDermott at sinalubong sila nila Ina. At sa kinamalasmalasan ay dito pa sa likod, sa may palayan nila ipinarke ang kanilang awto.

Dahil na rin sa gulat ay ilang sandali kaming nagpalitan ng titig.

Nanatili lang kaming magkahawak-kamay ni Nacio. Ramdam ko ang konting panginginig ng kan'yang mga daliri.

Wala sinuman sa amin ang nagbalak magsalita.

Ilang segundo pang titigan ang namutawi sa amin. Hanggang sa si Nacio na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Iniibig ko po ang inyong anak Señor at Señora Solon." Agad na napadako ang tingin ko kay General McDermott. Tanging masamang titig lang ang ibinigay.

"Kalokohan, kasintahan mo si Sita hindi ba?" Nanginginig ang ibabang labi ni Ama.

"This man is hilarious. You see he's already in a relationship with Sita." sambit ni ama kay General.

Napalingon kami kay Sita nang marinig ang kan'yang paghikbi.

"How could you?" sambit nito kay Nacio.

"Nagdadalang tao ako ngayon Nacio. Ngunit mas pinili mo pang takasan ako kagabi, para lamang kitain ang babaeng iyan!"

Akma siyang susugod papunta sa akin pero agad rin siyang napigilan ni George.

Napatulala ako sa sinabi ni Sita.

"Hindi totoo iyan, bawiin mo ang iyong sinabi!" Mas lalo pang hinigpitan ni Nacio ang hawak niya sa kamay ko.

"Tinanggap ko na ang ginawa mo sa aking pinsan. Ngunit ito ay hindi ko na mapapalagpas!" Lahat ng kanilang atensyon ay na kay Nacio na.

"Oo, hindi ba't ang pinsan mo lang naman ang kasabwat mo? Siya lang naman ang nagkukunsinti para pagtaksilan mo ako!" Namumula na ang buong mukha ni Sita sa kakasigaw.

"Nakikiusap ako sayo Sita, kahit ngayon lamang magkaroon ka ng puso!" Hinigpitan ko pa ang hawak ko kay Nacio.

Hindi ko na rin namalayan na may luha na ko sa aking mga pisngi.

"At ako pa ang nawalan ng puso? Matapos kong mabasa ang liham, at muli kang pagbigyan. Ako pa rin ang walang puso? Nakikita ni'yo ba kung gaano kawalang hiya ang lalaking ito?! Ngunit kahit na anong sakit ang dinadala ko ngayon, paulit-ulit pa rin kitang papatawarin dahil mahal kita, Nacio. Ako ang tunay na nagmamahal sa'yo!" Nawala ang balanse ni Sita. Para na siyang mahihimatay anumang minuto ngayon.

Wala naman akong magawa kundi ang umiyak sa tabi ni Nacio. Sa oras na makita nila ang liham, alam kong matatapos na ang lahat. Alam kong sa oras na iyon ay maghihiwalay na ang aming mga palad.

"Ising, pakikuha ang liham," sambit ni Sita.

Ilang sandali pa ay dumating na si Ising. Bago maiabot ang liham ay nagsalita ang General.

"Your daughter is cheating with my son all this time, Florentino."

Wala namang naitugon si Ama kundi ang pagyuko lang habang nakahawak sa kan'yang sentido. Si Ina ay wala na ring magawa kundi ang lumuha.

Pinakatitigan ko si George ngunit, tanging pagkadismaya lang ang nakikita ko sa kaniyang mga mata.

"I'm discarding all my connection with you. Our friendship may now rest in peace. I am very dissapointed."

Malaki ang nakukuhang benepisyo ng aming pamilya dahil sa koneksyon ni ama sa militar. Mataas din ang katungkulan ni General McDermott. Isang kilos niya lamang, ay maaaring lumubog ang aming pamilya.

Dahil sa sinabi ni General nagdulot ito ng panginginig kay Ama.

Wala akong magawa kundi panuorin ang mga taong nagdadalamhati sa paligid ko ng dahil sa kagagawan ko.

Kasalanan ko itong lahat. Mas lalo pang lumakas ang paghikbi ko. Agad namang pinunasan ni Nacio ang mga luha ko at sandali akong niyakap.

Kinuha na ni Sita ang liham. Binuklat ito at binasa.

Felicita,

Matagal kong hinintay ang araw na ito. Ang araw na maipagtatapat ko na ang tunay kong nadarama para sa'yo. Ilang taon rin ang lumipas bago ako nakauwi rito sa Pilipinas. Sumakto pa ito sa araw ng iyong kaarawan. Hindi mo man napansin noong gabing iyon, walang segundong lumipas na hindi nawala ang titig ko sa mala-anghel mong mukha.

Hindi mapakali ang aking sistema ng mahawakan ko na ang iyong mga kamay. Pagkatapos ng gabing iyon, hindi ka na napagod sa pagtakbo sa aking isipan. Ni hindi ka man lang ba hiningal?

Sa bawat pagdaan ng araw, mas lalo kitang minamahal. Hanggang sa dumating na ang araw ng aking pagtatapat.

Bago ako lumuwas papuntang Maynila, nais kong malaman mo na iniibig kita Fely. Ang mga ngiti mo ang pundasyon ng aking kaligayan. Ang mga titig mo ang nagpapatunaw sa matigas kong puso. Ang mga labi mo...

Ang mga labi mo ang nagpatunay na iniibig mo rin ako. Tama ba ang aking konklusyon?

Hihintayin ko ang iyong tugon. Babalik kami ni Marina pagkatapos ng isang linggo.

Nacio

PS. Isama mo na rin sa iyong tugon ang sagot mo rito, maaari ba kitang ligawan?

"Tingnan mo nga naman noong kaarawan pa ni Felicita. Ang tagal mo na akong pinagtataksilan!" Nilukot ni Sita ang liham sabay inihagis ito sa palayan.

"Wala tayong relasyon Sita. Nakikiusap ako sabihin mo ang totoo!" Nagtaas na ng boses si Nacio.

"Ang batang aking dinadala ang pagpapatunay ng ating relasyon!" Napahawak si Sita sa kan'yang tiyan.

"Itigil niyo na ito. Sapat na ang mga ibidensiyang pinakita ni Sita at kung maaari lang ay aalis na kami. Paumanhin Sita. Tanging kahihiyan lamang ang dinala namin dito." Napatingin sa akin si Ama at agad na hinigit ako palayo kay Nacio.

Isang napakalakas na sampal ang sumalubong sa akin, dahilan para mapaupo ako.

Naramdaman ko naman ang pagsalo sa akin ni Nacio.

"Pakiusap ako na lamang ho ang saktan niyo." Humarang siya sa pagitan namin ni Ama.

Pero puwersahan pa rin akong hinigit ni ama papasok sa Hacienda. Lumingon ako pabalik kay Nacio na humahabol ngunit pinigilan siya nila Sita at Ising. Naaninag ko naman sila General na papasakay na ng awto, at si Ina na nakasunod sa likod namin.

Marahas akong hinila ni ama papasok sa aking silid. Sinaraduhan niya si ina na akmang papasok.

"Florentino, pakiusap 'wag mong sasaktan ang ating anak!" sambit ni ina habang walang humpay siyang kumakatok.

"Florentino buksan mo ang pinto pakiusap!!" May ilang mga yapak akong narinig mula sa labas.

"Ama, buksan ni'yo ang pintuan. 'Wag kayong magpadala sa galit," rinig kong sambit ni Kuya Rheden.

Wala pa ring humpay ang pagkalabog nila sa pintuan.

"Punyeta kang bata ka!"

Tanging mga lagapak at ingay ang namutawi sa buong k'warto.

--

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now