Kabanata 19

4.2K 174 7
                                    


Tahimik lang kami ni kuya habang nasa loob ng kalesa.

Masyadong kakaiba ang kinikilos ni Kuya Rheden nakakapagtaka at nakakapanibago lang. Sa totoo lang parang nangangamoy pag-ibig ang kuya ko ngayon, ihk.

Sa patuloy na pagtakbo ng kalesa 'di ko naman maiwasang mapatanaw sa labas.

Ang malalawak na lupain na hindi pa napapatayuan ng mga gusali, subdibisyon at mga pasyalan, napaganda at napakasarap damhin nang simoy ng hanging wala pang bahid ng polusyon. Nakakalungkot nga lang, dahil sa paglipas ng panahon unti-unti itong masisira ng mga tao.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami.

Inabot na ni kuya ang kamay ko sabay baba sa kalesa,"Salamat Manong Tarding," saad ni kuya at sabay na kaming pumasok sa loob ng Hacienda Solon ang aming munting tahanan.

Sumalubong sa pinto si Inang Rosella at sinalubong ko naman siya ng mainit na yakap.

"Bunso naming tulog mantika," pang-aasar nito.

"May pinagmanahan lang po," tugon ko na agad na nagpatawa sa kanila.

Umakyat na agad ako sa k'warto at napahilata. Hindi naman ako inaantok dahil kakatulog ko lang.

Napaisip ako. Posible kayang nakakabalik lang ako sa kasalukuyang panahon tuwing matutulog ako sa kamang ito? Hinahanap kaya ako nila kuya ngayon?

O kaya naman dalawang araw na 'kong tulog sa kasalukuyang panahon? O baka naman tumitigil ang oras pag andito ako?

Agad naman akong napatingin sa lamesa na mukhang study table kung saan nakapatong ang diary ni Lola agad ko itong binuklat. May bagong entry na nakatala rito.

Dear diary,

Nasa isip ko pa rin ang naganap kahapon. Ang mga haplos niya ang siyang nakakapagpagising sa natutulog kong sistema. 'Di ko naman maiwasang titigan ang mga bulaklak na binigay niya. Oh giliw ko paano ba hindi mahulog sa iyo? Mas mabuti sigurong pigilan ng maaaga ang nag-aalab kong damdamin hangga't hindi pa huli ang lahat. Hangga't hindi pa lumulubog ang buwan.

Nagmamahal,
Fely

Hindi ko talaga lubos na maintindihan, kung bakit hindi pwede at bakit dapat pigilan?

Napahinga nalang ako nang malalim at tinitigan ang mga bulaklak na binigay ni Nacio. Nakalagay ito sa isang basket na pinitas sa kanilang hardin.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon