Kabanata 16

4.5K 176 6
                                    


Palapit kami nang palapit sa bahay nila Nacio at palakas naman nang palakas ang kabog ng dibdib ko sumasabay ito sa tunog ng pagtakbo ng kabayo.

Tumigil na ang kalesa agad naman akong napatulala at tila hindi mapakali, "Fely halika na," pag aya ni Kuya Rheden, agad naman akong tumayo at lumabas na sa kalesa.

Malamig ang simoy ng hangin at madadaanan ang mga bulaklak na nakapalibot sa Hacienda Buencarmino.

"Andito na ang pamilya Solon," tugon ng isang militar sabay yuko.

Kulay tsokolate ang kan'yang buhok, may kaputian, matangos ang ilong at napakatangkad—isang amerikano.

Binati rin niya ako at maging sila ina. Napag-alaman kong kamag-aral pala siya ni Kuya Rheden sa isang sikat na Unibersidad sa Maynila na itinatag ng mga amerikano. Kasalukuyan namang wala silang pasok dahil bakasyon.

Agad kaming pumasok.
Magarbo at malaki ang bahay nila Nacio napapaligiran din ito ng mga palamuti iba't-ibang putahe rin ang nakahanda sa hapag. Ngayon ang ika labing-siyam na kaarawan ni Marina. Napaupo na kami habang sila Ina ay nakikipag-usap pa sa ibang mga panauhin.

Si Kuya Rheden naman ay nakikipag kwentuhan sa amerikanong militar na kamag-aral niya.

...

Ako lang yata ang walang makakausap dito.

"Fely!" sambit ng isang matinis na boses.

Napaharap naman ako sa likod at nakita ang isang babaeng nakangiti na papalapit sa akin. Kayumanggi ang kulay ng kan'yang balat, may bilugang mga mata, kulot ang buhok na mala beach wave na bagay na bagay sa maamo niyang mukha.

Teka sino nga ba siya?!

Lumapit siya at agad akong niyakap "Sabik na sabik akong makita ka Fely! Kumusta?" aalis na sana siya sa pagkakayakap ng biglang higpitan ko ang yakap.

Nako, ano nga ba'ng pangalan niya? "Oh Sita ikaw pala" tugon ni Ina at agad naman akong napangiti. Salamat life saver Inay!

Siya pala si Sita na tinutukoy ni Kuya Rheden na matalik na kaibigan ni lola Ayla.

Lumapit siya kay Ina at agad na nakipag beso sabay tingin sa akin, "P'wede ko po bang mahiram si Fely?"

"Oo naman at kanina pa 'yan nagmumukmok diyan," sabay tawa ni Ina. Agad naman napatawa si Sita at hinila na 'ko palabas sa may hardin.

"Nagtatampo ka pa rin ba Fely? Paumanhin kung hindi ako nakadalo sa kaarawan mo."

"Ayos lang 'yun basta ba may inihanda kang regalo," sabat ko na pareho naman naming ikinatawa.

"Ikaw pa ba, basta ba ilalakad mo ko kay Rheden. Alam mo namang matagal ko na siyang gusto simula pa ng mga bata tayo. 'Wag mo ring kakalimutan ang bilin ko, bantayan mo ang iyong kapatid. Kailangan walang babaeng aaligid sa kanya, habang hindi ko pa inaamin ang nararamdaman ko," mahinhin niyang sabi habang namumula ang kan'yang pisngi. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat.

"Osha ito nga pala," kinuha niya ang isang  pulang kahon, pero agad ko naman siyang pinigilan, "Teka napakabilis naman ata. Magproprose kana kay Kuya Rheden?!"

Nagulantang naman siya at napahalakhak,"Ano ka ba iyan ang regalo ko Fely, napakapala biro mo talaga!" at sinenyasan niya ko na tumahimik dahil baka may makarinig sa lihim na pagtingin niya kay Kuya Rheden.

Napatawa nalang ako at agad na tinanggap ang munting regalo niya.

"Kumusta pala? Balita ko napapadalas daw ang iyong pagkakasakit?"

"Hindi naman siguro naninibago lang."

Ngayon ko palang naman siya nakausap, pero ramdam ko na parang madami na kaming napagsamahan.

"Mga binibini magsisimula na po ang pagdiriwang," tugon ng isang militar na nagbabantay sa may pinto. Pumasok na kami at naupo habang patuloy naman si Sita sa pamumula nang mapadaan si Kuya Rheden at binati siya.

"Ang tamis naman ng iyong ngiti," napatingin ako sa lalaking nagsalita, at hindi nga ako nagkamali mula sa boses, amoy at tindig alam na alam kong si Nacio iyon. Hindi naman ako nakapag salita at parang na estatwa na ako sa kinauupuan ko at nag-iwas ng tingin.

"Galit ka pa rin ba Fely?" malumanay at may halong lungkot niyang sabi. Napatingila naman ako sa kan'ya at umiling.

"Gusto kong marinig ang iyong boses," sambit niya. Hindi ko malaman ang gagawin at napatingin nalang kay Sita pero abala siya sa pakikipag-usap kay Kuya Rheden, hindi ko manlang napansin na magkausap na pala sila.

"Sige ayos lang, pero hindi pa rin ako susuko na suyuin ka."

Napatitig ako kay Nacio "N-agkakamali ka hindi-"

Hindi naman natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang piano kasabay ng pagbaba ni Marina kumakaway siya at nakangiti sa mga bisita, "Bunso at unica ija ng pamilya Buencarmino, aking ipinapakilala Marina Luna Buencarmino."

Ang suot niyang filipiñana ang lalong nagpatingkad sa kanyang angking ganda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang suot niyang filipiñana ang lalong nagpatingkad sa kanyang angking ganda.

Dahan-dahan siyang bumababa habang nakaalalay naman sa kaniya ang kan'yang ama na si Señor Arturo.

Napatingala ang lahat at agad na nagpalakpakan. Ilang sandali pa naganap na ang pagbati sa kan'ya ng mga panauhin habang patuloy sila sa pagkwekwentuhan.

Napansin ko ang pagtitig ni Kuya Rheden kay Marina at biglang pag-iwas ng tingin nang mapaharap sa kan'ya ito. Hmmm?

Patuloy lang ang selebrasyon. Palakad-lakad naman si Marina upang pasalamatan ang lahat ng dumalo.

"Maligayang kaarawan," pagbati ko nang mapadako siya sa p'westo namin.

Kaagad naman siyang nagpasalamat.

Binati rin siya nila ama at ina, habang inaantay ko namang batiin siya ni Kuya, pero napatayo lang ito at nagpaalam na magbabanyo.

Matapos ang kainan, agad naman akong nagpahinga, busog na si timmy tummy.

Pagkatapos n'yon ay panay na ang masid ko, simula ng pagdating ni Marina ay hindi ko na siya napansin si Nacio. Tila parang naglaho siya na parang bula. Akala niya siguro ay galit pa rin ako.

Wala na rin akong makausap dito, dahil nagpaalam na si Sita na aalis na sapagkat sumasama raw ang pakiramdam niya.

Ilang sandali pa, nagulat ako nang may biglang magsalita sa aking gilid, "Binibini may nagpapabigay po," may inabot na sulat ang isang batang lalaki. Nakasuot siya ng amerikano. Agad akong nagpasalamat, tatanungin ko sana ang pangalan niya, pero kumaripas na siya nang takbo.

Hindi naman ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na binuksan ang sulat.

Sundan mo nang tingin ang saranggola,

Nacio

Agad akong napatingin sa may bintana at napatayo para sundan ang saranggola.

Papunta ito sa may hardin. Nakatingngala pa rin ako at unti- unting binababa ang tingin. Nakita kong hawak ni Nacio ang saranggola at naka ngiti siya habang may hawak-hawak na mga bulaklak.

--

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now