Kabanata 47

3.3K 123 6
                                    


Kaagad na binuhat ni Nacio si Marina at inilagay ito sa higaan. Kumuha  naman ng bimpo si Felicita para punasan ang naghalong pawis at luha sa mukha ni Marina.

Marahan din niyang hinaplos ang buhok nito.

"Siguradong hinahanap na siya ngayon ni Señor Arturo," sambit ni Nacio at napabuntong hininga.

"Ano ang ating gagawin? Siguradong alam ng Señor na isa ito sa mga lugar na maaaring puntahan ni Marina," pagtugon naman ni Felicita na hindi na rin mapakali.

"Ang mabuti pa ay ibalik ni'yo na siya sa kaniyang ama siguradong mapapahamak at madadamay pa tayo rito Nacio," singit ni Lucila habang kalmadong nagpapaypay sa tabi ni Nacio. 

Napailing nalang si Nacio, "Mapapahamak ang pamangkin ko kung gagawin ko iyon. Pinsan ko si Marina at kaibigan ko si Rheden kung may magagawa ako para matulungan silang dalawa ay gagawin ko sa abot ng aking makakaya. Hindi ko hahayaang masaktan at mawala ang walang kamuwang-muwang na bata." 

"Hindi siguro matanggap ni Arturo na ang ama ng dinadala ng kaniyang anak ay walang kaya at dahil na rin sa kahihiyan na dinadala ng ating pamilya ng dahil sa'kin. Hindi ko rin hahayaang mawala ang apo ko. Hahanap ako ng paraan," sambit ni Florentino na tumatagaktak na rin ang pawis dahil sa init at kaba. 

"Ang mabuti pa ay isama ko si Marina patungong Maynila. Sa ganoon ding paraan ay maibabalita namin kay Rheden ang nangyari," tugon ni Nacio at napatingin kay Felicita, "Maaari ho bang sumama si Felicita?"

Napabusangot si Lucila sa narinig, ngunit hindi naman ito napansin nila Felicita.

"Na kay Felicita ang desisyon, alam kong alam niya ang kaniyang ginagawa maging ang tama sa mali. Batid ko ring responsable ang aking anak sa lahat ng bagay, kaya naman binibigyan ko na siya ng kalayaan para magpasya sa kaniyang sarili. Ang sa amin lang ay mag-iingat kayo at sana'y layuan kayo ng kapamahakan at anumang disgrasya," tugon ni Florentino sabay tumungo at nginitian ang anak. Napangiti naman si Felicita.

"Salamat 'tay."

***

Abala na sila Felicita sa pag-iimpake, nagluluto naman si Rosella ng kanilang babaunin.

"Mag-iingat kayo, pakisabi nalang sa iyong kuya na palagi namin siyang inaalala. Sabik na sabik na rin kaming makita siya," sambit ni Rosella sa gitna ng pagluluto. 

"Babalik po agad ako ina, makakarating kay kuya ang mensahe. Mag-iingat din ho kayo dito," sambit ni Felicita sa maluha-luhang tono, alam niya kasing matatagalan ang kaniyang pagbalik dahil kapos sila sa pambayad sa pamasahe. 

Ngayon ay sinagot lahat ni Nacio ang mga gagastusin, ilang beses mang tumangi si Felicita ay wala na siyang nagawa sa gusto ng kasintahan. 

"Hmmm..." 

Kaagad na napadako ang tingin nila kay Marina na kakagising lang. Ilang segundo itong nakatulala bago natauhan. 

"Ang anak ko.." sambit niya at muli na namang napaiyak. 

Pinuntahan naman siya ni Nacio, "Walang mangyayaring masama sa kaniya, pangako iyan," aniya at niyakap ang pinsan.

"Isasama ko kayo sa Maynila. Mamamalagi muna kayo roon hanggang sa manganak ka, at wala ng magagawa si Señor Arturo, kundi tanggapin ang apo niya."

Tumango-tango si Marina, "Maraming salamat, pinsan." 

Tila estatwa naman silang natigilan nang makarinig ng katok. 

"Tao po," nakatatlong ulit na sambit nito.

"Saglit lang po, nagbibihis lang," palusot ni Rosella.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon