Kabanata 51

2.5K 109 3
                                    

"hostilities between Japan and the United States ... have commenced.... "

Ito ang padalang radiogram ni General George C. Marshall kay McArthur.

Kinaumagahan kumalat agad ang balitang ito sa lahat ranggo ng militarya ng mga Amerikano.

Ang Pearl Harbor ay nasa isla ng Oahu. Ang pag-atake rito ay isang malaking pinsala sa mga Amerikano, dito kasi nakabase ang kanilang militarya. Sinasabing ilang daang Japanese fighter planes ang bumaba upang atakihin at bombahin ito. Ilang daang armas, mga naval vessels, eroplano, at battleships ang nawasak dahil sa pagbomba rito. Maraming amerikanong militar rin ang namatay at nasugatan...

Hindi pinalad rito si George, sugatan siya at nasa kritikal ang kalagayan katulad ng iba. Anumang oras ay maaari siyang pumanaw.

***

Nang marinig nga ni Nacio ang balita ay hindi na siya tuluyang nakatulog. Binalot siya ng pag-aalala. Muli na lamang siyang pumunta sa k'warto ni Felicita, umupo sa kanyang kama at pinagmasdan itong matulog. Si Felicita lang kasi ang kayang makapagbigay sa kanya ng kapayapaan. At hindi na nga niya namalayan nakatulog na siya sa tabi ng dalaga.

Nang sumikat ang araw katulad ng inaaasahan ang balita ay nagbigay sa kanila ng matinding takot. Alam nilang ang mga susunod na araw ay hindi tiyak. Hindi nila alam kung ano ang kanilang magiging kapalaran.

Nasa sala silang lahat tahimik na nag-iisip, "Sa aming bahay alam kong may sekretong daan do'n patungong ilalim. May mga silid do'n maaaring kayong magtago muna ro'n, kung sakali mang lumala ang mga bagay," saad ni Nacio.

"Kayo? Hindi ka ba sasama?" pagtugon naman ni Felicita.

"Kailangang may maiwan sa atin kung sakali man, paano ang ating pagkain?" tugon ni Nacio kay Felicita.

Napabuntong hininga si Felicita, ayaw niya ang ideyang maiiwan at maaaring mapahamak si Nacio. Napayuko siya, masakit man alam niyang may punto ang kasintahan.

"O maaari tayong bumalik na lamang sa isla. Delikado man pero liblib 'yon kaysa mamamalagi rito mas mataas ang tyansa ng kapamahakan," saad ni Felicita.

Napatungo si Rheden sa sinabi ng kapatid, "Magandang punto, delikado man ngunit wala na tayong iba pang pagpipilian. Kailangan na muna nating usisain kung naroon pa ang mga bantay na ipinadala ni Arturo."

"Maaari ngang nando'n pa sila, mas mabuting magkalap na muna ng mga impormasyon. Sa ngayon ang tanging pagpipilian natin ay ang mamalagi rito o ang sumubok na pumasok sa bahay nila Nasing," saad ni Marina.

Napataas naman ng kamay si Caloy na tiningnan nilang lahat, "Ay pasensya hindi pala ito class recitation." Napatawa naman sila dahil dito. Saglit na gumaan ang atmosphera.

"Kung nais niyo do'n tayo sa aming probinsiya. Isang isla rin daang pa norte," saad ni Caloy.

Ngunit agad na kinabahan si Felicita. May pumasok sa kanyang isipan,"Teka, hindi kaya binabantayan nila ang mga pamilya natin? Hindi kaya nagkalat sila at naghihintay kung kailan at saan tayo maaaring magpunta? Kung gano'n lahat ng lugar maging ang ating tahanan ay delikado."

Napabuntong hininga silang lahat. Muli na namang bumigat ang paligid.

"Ngunit bakit hindi pa nila nahahanap 'tong bahay ni Lucila?" saad ni Caloy.

Kaagad na tumugon si Lucila rito, "Ang bahay na ito ay nirerentahan ko lamang. Napagbili na kasi ito ngunit hindi pa namin sinasabi sa iba. Maraming kamag-anak ni ama ang tutol. Kaya mahanap man nila ito, makikita nilang ibang pamilya na ang nakarehistro."

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon