Kabanata 29

2.9K 141 4
                                    

Bagsak ang balikat akong tumingin kay Sita habang si Leonora naman ay nanginginig pa rin sa gulat. I gave her a reassuring look na hindi siya madadamay sa pakay ko.

"May naririnig kasi kaming umiiyak dito, ano ba'ng tinatago niyo rito Sita?"

Diretsong nakatingin lang siya sa'kin at bahagyang napataas ang kilay niya.

"Gusto niyong makita? Halika pasok," sabay lakad niya nang diretso at tuluyang binuksan ang nakaawang na pinto. Bumungad sa amin ang walang katao-taong k'warto. Alikabok at k'wartong pinag-iwanan na ng panahon ang bumungad sa'min.

"Kinandado ang k'warto na ito, dahil dito nagpakamatay ang nakababatang kapatid ng ama ni Nacio. Ngayon kung wala kayong magawa sana manlang nirespeto niyo ang alaala at kaluluwa ng namatay rito!" Nanindig ang balahibo ko at napaatras hinawakan naman ni Leonora ang braso ko upang alalayan.

"Ngayon kung may naririnig kayong pagtangis malamang nagambala niyo na siya, Felicita minumulto kana," sarkastikong sabi ni Sita sabay halakhak.

"Makakarating ito kay Nacio at sa ama niyang si Señor Nicolas na nasa Europa," sabay lakad niya nang diretso at akmang babangain ako, agad ko naman nahigit ang braso niya bago ba niya ito magawa.

"Sandali," Hinila niya kaagad ang braso niya sa pagkakahawak ko, ngunit masyadong mahigpit ang hawak ko sa kaniya, at dahil sa   marahas na paghila niya sumayad ang kuko ko balat niya, dahilan para mapa-aray siya at masugat ito na parang kinalmot.

"Ano ba!" Nabitawan ko siya dahil sa gulat.

"Hindi ko sinasadya," saad ko habang tinitingnan ang dugong umaagos na sa kaliwang braso niya.

"Ano ba'ng problema mo?!" Napaluhod siya at unti-unti nang humagulhol.

Sa pagkakaalam ko siya ang may problema sa akin. Maayos naman kami noong kaarawan ni Marina. Ano ba'ng pinuputok ng butchi niya?

Unti-unting lumiwanag, nakabukas na rin ang k'warto ni kuya at hindi ko na namalayang nasa likod ko na pala siya at nasa tabi na ni Sita si Nacio na inaalalayan itong makatayo.

"Ano ba'ng nangyayari?" pambungad ni Nacio. Habang sinusuri niya ang braso ni Sita at pawang alalang-alala.

"Si Felicita," ani ni Sita na humahagulhol pa rin. Napayuko ako. Nanginginig ang kamao, ano pa ba'ng dapat kong sabihin? Sa kahit saang angulo ang tingnan, ako ang mali. Pinasok ko ang isang pribadong k'warto at nasugatan ko si Sita.

"Paumanhin," nagmamadali akong makapasok sa k'warto bago pa tumulo ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Agad kong sinarado ang pinto bago pa makapasok sila kuya at Leonora. Ilang segundo pang nagtagal ang pagkatok hanggang sa napagod na rin sila.

Napatingin ako sa kisame habang unti-unting nanlalabo ang paningin.

Sana hindi na 'ko magising pa...

***

Nabulabog ako sa pagkatok at unti-unting minulat ang mata, habang tinatanggal ang nakasagabal na muta na nakaharang sa paningin ko.

Walang humpay ang pagkatok.

"Felicita, anak."

Si ina.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko, sabay talukbong ng kumot, pero wala pa ring humpay sa pagkatok si ina. Ilang sandali pa narinig kong nagsalita si Leonora.

"Señora kailangan na pong mag-ayos para sa pagsasalo alas nuebe na po ng umaga."

"Hindi na ako sasama," walang gana kong sagot.

"Ngunit naghihintay po sa inyo si Señorito George." 

Nang hindi ako sumagot ay wala pa ring tigil sa kakakatok si Leonora.

Hanggang sa tumigil rin ito.

At kung minamalas ka nga naman,  hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang nakakarinding hagikhik ni Sita. Napabangon ako inaasahang panaginip lang 'yon, pero wala pa ring tigil ang hagikhik.

Napasilip ako sa may bintana at nakita silang dalawa ni Nacio. Natatakpan ang braso ni Sita dahil sa laki ng manggas ng saya nito.

Mukhang ayos na ang braso niya.

Nakakarinding pakinggan si Sita at sinabayan naman ito nang pagtawa ni Nacio. Tuwang-tuwa sila sa isang tuta.

"Sabi ko naman sayo hindi ko siya pinapabayaan," magiliw na sambit ni Sita.

"Salamat," sabay tungo ni Nacio at sinuklian ito ng napakatamis na ngiti.

Isang ngiti na hindi ko pa nakikita.

Napapahid ako sa luhang tumulo na pala.

Pero nagulat ako, dahil sa may panyong biglang nagpunas nito.

"Hindi dapat tumatangis ang isang magandang binibini," rinig kong sambit ni George at agad na niyakap ako, kinulong sa kan'yang bisig. Habang wala pa ring humpay sa pagtulo ang mga luha ko.

Ang pakiramdam na pinipilit mong 'wag umiyak, pero sa pagkakataong may taong nagtanong kung may problema ka at bigla kang niyakap upang mapagaan ang pakiramdam, lahat ng hirap at pagpipigil na umiyak ay nawawala. Hindi mo na mapipigilan ang pagbugso ng damdamin.

"Iiyak mo lang, at laging tatandaan na sa bawat pag-ulan, darating din ang panahon na huhupa ito at muling lilitaw ang araw. Alam kong parang sirang plaka na itong kasabihan," Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko at muli akong niyakap.

Minsan iniisip kong maging masokista, na laging gustong nasasaktan, nakikita at nararamdaman lahat ng sakit. Nagmamahal kahit hindi nasusuklian. Nagbibigay nang walang hinahangad na anumang kapalit.

Ngunit panahon naman, para isipin ko naman ang aking sarili.

***

Ilang pagpupumilit na sumama ang narinig ko kayla ina, pero sinabi ko nalang na napakasama ng pakiramdam ko na sinangayunan naman ni George. Nakumbinsi naman si ina na hindi nalang ako sumama sa salo-salo. Mabuti nalang at maayos na ang kalagayan ni kuya kaya hindi naman masyado nalungkot si ina dahil sa hindi ako makakasama.

Maghahapon na at wala akong ibang ginawa kundi ang matulog, tumulala at magmasid ng kung anu-ano sa k'warto.

Nagising nalang ako dahil sa naririnig ko na naman ang pag-iyak. Kung hindi ako nagkakamali parehong-pareho ito sa narinig ko noong nakaraang araw. Guni-guni ko lang ba ito? nawawala na ba ako sa sarili?

Napabuntong hininga ako at muling pinikit ang mga mata. Ngunit wala pa ring tigil ang paghagulhol. Masyadong tahimik ang paligid at mag gagabi na rin, pero hindi pa nakakauwi sila ina.

Lumabas ako para hanapin ang pinagmumulan ng haguhol, sa k'warto kung saan nagpakamatay ang kapatid ng ama ni Nacio tumitindig na naman ang balahibo ko.

'Di kaya minumulto lang ako?

Dahan-dahan akong naglakad papalapit rito. At agad na nagtago nang marinig kong palalabas sa k'wartong iyon si Aling Ising dala-dala ang isang tray.

Nang makalayo ito ay agad akong lumabas at ginamit ang clip para mabuksan ang pinto, mabuti nalang ay iniwan ito ni Leonora, kanina habang naghahanda siya para ayusan sana ako ng buhok, pero hindi natuloy ang aking pagsama.

Papalakas nang papalakas ang hagulhol. Binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto, sa takot na may makatirinig dito, pero sumalubong lang sa akin ang walang katao-taong k'warto...pero rito talaga nagmumula ang iyak.

Sinarado ko muna ang pinto bago dahan-dahang naglakad, ng biglang may matapakan ako, isang bukasan. Parang idang secret base na makikita sa mga horror movies.

Pinagmasdan ko muna ito bago pinakinggan muli ang iyak, pero nawala rin ito.

Agad kong hinugot ang bukasan at tumambad sa akin...

Ang halos 'di ko na makilalang si

"Marina."

--

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon