Kabanata 32

3.2K 139 8
                                    


Sa pagkuha ko ng liham, akala ko doon na matatapos ang lahat. Matatapos at babalik na muli sa normal.

Kinagabihan matapos kong makuha ang liham ay nagtungo muli ako sa sikretong silid ni Marina.

Napamulat siya nang kaunti at dahan-dahang bumangon. Nagrereplika sa kan'yang mukha ang hapdi at sakit na nagmumula sa kan'yang mga galos.

Masigla ko siyang binati. Alam kong alam niya na naging matagumpay ang misyon namin dahilan para magbigay siya ng kaunting ngiti. Ngunit...

Nang ipakita ko na ang liham ay agad siyang nalungkot kasabay ng pagsalubong ng mga kilay niya.

"Felicita hindi ito ang liham."

"Pe-pero," pautal kong sabi.

"Mahaba ang nilalaman ng liham na iyon. Pangalan mo at pangalan ni Nacio ang naroroon."

"Paanong, naghanap na 'ko sa bawat sulok ng silid na iyon, pero wala akong nakita," saad ko at napabuntong hininga.

"Kung gayon, sa'n mo nakita ang liham na iyan?" Sabay turo niya sa liham na hawak-hawak ko.

"Ina-bot ito sa'kin ni Nacio." Napayuko si Marina at muling nagsalita.

"Siguro maging siya ay walang kaalam-alam kung nasaan ang liham. Maniwala ka Fely mahal ka ng aking pinsan. Nais ka lang niyang protektahan."

Hinawakan ko ang nanginginig na kamay ni Marina bago nagsalita,"Mahahanap din natin ang liham, pangako iyan."

***

Bumalik na 'ko sa aking silid, ang kaninang masiglang aura ko ay napalitan na naman nang lumbay.

Tila hindi ako pinapatahimik ng aking isipan. Ilang taktika ang sinusubukan kong pagtagpiin ngunit lagi ko itong nahahanapan ng butas.

Minabuti ko na munang lumabas ng silid ko. Sa may hardin  napagpasyahang kong maglakad-lakad.

Dumiretso ako sa may kubo, dahil na rin sa malamig na simoy ng hangin ay unti-unti akong napapikit.

Naalimpungatan nalang ako ng makaramdam ako ng mga kaluskos. Nagmumula ito sa pintuan na nilabasan ko patungo sa hardin.

Agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa nang mapadaan ito sa kubo. Dalawang guwardiya ang nag-iikot sa hacienda.

Pero hindi ako nakaligtas sa kanilang paningin. Nakita siguro nila ang anino ko mula sa ilaw ng kubo.

"Binibini, bakit wala po kayo sa inyong silid?"

"Ah, nais ko lang magpahangin ngunit dito na 'ko dinatnan ng antok," pagpapalusot ako at agad na tumayo mula sa lamesa.

"Sa ilalim ho kayo ng lamesa dinatnan ng antok?" Napatingin sila sa isa't-isa at ngumiti na animo'y biro ang nilahad kong rason.

"Ang mabuti pa po ay bumalik na kayo sa inyong silid. Ihahatid ka na namin roon." Sabay hakbang nito palapit sa akin.

Agad naman akong napaatras.

"Ah, hindi kaya ko na mag-isa," sabay iwas ko ng tingin.

"Hindi ho maaari, kami ang malalagot kung sakaling hindi kayo dumiretso sa inyong silid." Wala na 'kong nagawa kundi ang sumama nalang sa kanilang dalawa.

Papaakyat na kami sa ikalawang palapag nang bigla silang lumiko.

"Teka hindi diyan ang aking silid." Akmang tataas na ko sa ikalawang palapag ng hatakin ako sa braso ng isang guwardiya.

"Sa silid ko ho tayo pupunta."

Agad akong nagpumiglas at akmang sisigaw na ng biglang...

"Ako na ang maghahatid sa kan'yang silid," saad ng isang lalaking kilalang-kilala ko ang boses.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now