Kabanata 5

7.8K 266 2
                                    


Nagising ako ng madaling araw. Ilang sandali muna akong napatulala sa ceiling, nang mapansin ko ang diary na nasa side table pa rin kinuha ko ito at binasa.

Dear diary,

Nalaman ko na rin ang pangalan niya. Natuwa ako nang makita ko siyang nakaupo sa may puno at may hawak na saranggola bagay na lagi naming nilalaro ni kuya. Ang galing niya rin palang magpinta. Darating kaya ang araw na maipipinta niya ako? 'Di naman magkamayaw ang ngiti sa aking mga labi habang iniisip ang imahe niyang pinipinta ako. 'Di ko lang lubos matanggap ang pagngiti niya sa iba.

"Marina" rinig kong bulong niya habang nagtatawanan sila na parang walang bukas. Halos madurog sa sakit ang aking puso habang pinagmamasdan siyang masaya sa piling ng iba. Ngunit kung mas sasaya siya sa piling ng babaeng iyon tatangapin ko ng buong-buo dahil ang kanyang pagngiti at kasiyahan ay higit na mas importante para sa akin. Hindi ko lang lubos na maunawaan ang aking nadarama hindi kaya mahal ko na siya? hindi ba tila napakabilis naman nito para maramdaman?

Ayla

Hindi na ako nagulat dahil alam kong naramdaman din niya ang sakit.

Bumangon na ako at nagulat ng may isang tao ang nakatitig sa akin. Mukhang hinintay niyang matapos akong magbasa.

"Andito ka lang pala," madiing sambit niya na naghatid sa akin ng kakaibang kaba.

Agad siyang lumapit at sinampal ako nang pagkalas-lakas. Napahawak naman ako sa pisngi ko at naramdaman ang tumulong luha. Nakaramdam din ako ng kaunting hilo.

Napatingin muli ako sa kanya, pero hindi ko maaninag ang mukha niya.

Ilang sandali pa bigla naman niyang hinila ang buhok ko, at hinampas ako ng latigo. Halos ngumiwi naman ako sa sakit. Nakailang hampas pa siya, hindi ko maipaliwanag ang kakaibang sakit.

Nagising ako nang hinihingal at pinagpapawisan.

Ilang sandali pa, nakarinig ako ng katok na nagdala muli sa akin ng kaba,"S-ino 'y-an?" pautal na sambit ko.

"Nak, kain na," rinig kong sabi ni mama. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Susunod na po." Pinunasan ko muna ang mga pawis at nag-ayos na rin ng sarili. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot.

'Panaginip lang' paulit-ulit kong pagkumbinsi sa sarili.

Hanggang sa pagbaba ay nanginginig pa rin ako. Pinipilit ko nalang na pakalmahin ang sarili ko.

***

Nang matapos kumain, pumunta na muna akong hardin para magpahangin. Napagpasyahan kong tawagan si Clair. Ang pinakamalapit kong kaibigan sa Maynila.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon