Kabanata 3

11.7K 349 9
                                    


Nasa harap ko ngayon ang lalaking katabi ni Lola Ayla sa larawan niya.

"Ah u-m sorry 'di ko alam," paghingi ko ng paumanhin at sabay iwas ng tingin.

Naglaro ang mga ngiti niya sa labi ng muli ko siyang tingnan.

"Bilang kabayaran p'wede ka bang maisayaw?" sabay lahad niya ng kanyang palad.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla na namang bumilis nang pagtibok ang puso ko. Ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko.

Ilang segundo akong nakatingin sa palad niya hanggang sa inabot ko na rin ito. Nagbigay naman ito ng kakaibang ngiti sa kaniya. Habang hindi naman ako makahinga dahil sa tuwa at kilig na hindi ko malaman kung bakit ko nararamdaman.

Playing: Bluestone Alley by Confei Wei
(Piano version)

Sinayaw niya ko sa gitna. His hazelnut eyes looking at me directly, as if I am the apple of his eye.

Ngumiti siya. Nakakapang-akit ito. Saglit nahihibang na ba ako?

"Maligayang kaarawan Fely," mahinahon niyang saad. Agad naman akong nagpasalamat at ngumiti. 'Deane' pagtama ko sa aking isip na hindi ko nalang tinuloy.

Ilang sandali pa, nagpasalamat akong muli, "Thank you so much." Hindi ko alam kung bakit napakalaking bagay na sa akin ang batiin niya.

"Walang anuman, pasensiya na hindi ako maka-amerikano," tila natatawang sambit niya.

"Gano'n ba ayos lang." Nanatili lang kami na nagsasayaw, habang panay ko naman ang iwas nang tingin.

Nagtagal pa kami roon ng ilang minuto hanggang sa napatigil kami sa pagsasayaw nang biglang may nagsalita na isang lalaking nasa mid 40's.

"May I?" tanong nito, agad naman akong tumango.

Magsasalita pa sana ko ng makalayo na siya. Hindi ko manlang naitanong ang pangalan niya.

"Naliligayahan ka ba sa kaarawan mo anak?" Nagulat ko sa sinabi niya. Siya siguro ang ama ni lola Ayla

"U-m opo," kabadong sambit ko.

"Mabuti naman may hinanda kaming regalo, matagal mo na iyong hinihingi."

Kaagad niya akong dinala sa kinaroroonan ng regalo. Naroroon din ang babaeng sumalubong sa akin kanina na napag-alaman kong Rosella ang ngalan.

Ngumiti ito.

"Ayos kana ba Fely?" pagtatanong ni Ginang Rosella.

"Opo, paumanhin kanina," paghingi ko ng tawad. Tinawag naman niya si kuya. "Rheden, kunin mo na ang regalo sa taas."

Ilang sandali pa dumating na si kuya na dala-dala ang regalo. Nakabalot ito sa isang burlap bag.

 Nakabalot ito sa isang burlap bag

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now