[MBI-EPILOGUE]

25.5K 499 38
                                    

[MBI-EPILOGUE]

LYKA'S POV

"KYRAN!" sigaw ko. 

"What?" sagot niya na kalalabas lang ng banyo. 

Ang init! Natawa ako ng bahagya. Dinilaan ko lang siya. 

"Anong mas bagay?" Tukoy ko sa dalawang damit na hawak ko. 

"That red one. You'll look alluring and stunning with that." 

Napangiti naman ako. May party kasi mamaya. Oy nagtaka kayo? Balik reyna na ako ulit. Nasa mansion na ako ngayon at may party kasi mamaya para daw sa company. Hindi ko alam kung para saan 'yon. 

"Did you invite your professors?" 

Tumango ako. Tama! Nag-aaral na po ako ng Culinary, home schooling nga lang. Seloso kasi! 

"They're invited too." 

Napasimangot ako sa sinabi niya. 

"Okay lang," walang gana kong sagot. 

Humanda ka sa akin mamaya. Matapos kong mag-ayos ay humarap ako sa whole body mirror. Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Okay na ang lahat eh.
Nang malaman ng mama ni Kyran ang totoo ay natuwa pa siya. Ang importante daw sa kanya ay makitang masaya ang anak niya. Syempre isang malaking bawas kaba na 'yon para sa akin. Hindi rin naman binawi ni Kyran ang contract ng Merger. Si Kyla naman, nasa States at nagbabakasiyon kasama ang asawa niya. 'Yong madrasta ko? Pinatawad ko na siya. Sinusuportahan ko na lang din alang-alang sa mga kapatid ko. Si Landon? Happily married to Hailey! Yes! Nawalan din ako ng tinik. Now? Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Bukod sa guwapo na, mayaman pa at mapagmahal na asawa, p'wera sa pagiging ugaling gorilya minsan. May anak pa ako na sobrang ganda. Saan ka pa! 

Matapos magliwaliw ng utak ko ay pumanaog na kami ni Kyran. Lumapit naman bigla sa amin si Landon at nasa likod niya si Hailey. 

"Hey Lyka! Here's my naughty wife! She's all yours today," natatawang salubong ni Landon sa akin. 

Ngumiti lang ako ng sobrang lapad at tumango. Iniwan naman kaming dalawa nila Landon. This what they called quality time. 

"Nice to see you again? Hailey," nakataas kilay kong bati sa kanya. 

"Lyka, I just wanted to say so—" Sinampal ko siya.
"That's for threatening me to leave Kyran!" Sinampal ko pa siya ulit.

"And that's for your craziest scheme!" Bumuwelo pa ako lalo at muli siyang sinampal.

"And that's how I forgive you." 

Napaangat naman siya ng tingin sa akin. 

"Thank you," she said. 

Nakipagbeso-beso ako sa kanya. 

"That's a karma, Hailey," nakangiti kong sabi. 

"Enough now. Come here Honey. Let's savor the moment. Alone." 

Singit ni Kyran sa amin. Kumaway lang si Landon sa amin and he mouthed a word thank you.

Ngiti lang ang itinugon ko at gumayak na kami ni Kyran sa veranda. Niyakap niya ako mula sa likod. 

"Honey?" 

"Hmm?"

"Who are they? Ben, Jerry, Tom and Pou?" tanong niya bigla. 

Napaharap naman ako sa kanya at ikinawit ang mga braso ko sa leeg niya. 

"Mga kabit ko!" natatawa kong sagot. 

Bahagya naman niyang kinalas ang pagkakakapit niya sa baywang ko. 

"Are you cheating on me!?" galit niyang sabi. 

Humagalpak ako ng tawa. 

"What's funny!?" iritado niyang tanong. 

"They are just a mobile game, Master Kyran," nagpipigil na tawa ni Jeffrey habang nagpapaliwanag. 

"Get.Out!" Kumaripas naman ng walk out si Jeffrey. 

Hinampas ko siya ng marahan sa dibdib. 

"Pikon ka na sa lagay na 'yan," asar ko. 

"Whatever!" nakasimangot niyang sabi. 

Dahan-dahan ko namang hinaplos ang mukha niya at pinaghahalikan ng pino. Napangiti naman siya sa ginawa kong 'yon. 

"I love you Kyran Liam Eidenberg." He kissed me torridly and utter... 

"I love you the most Lyka Willson Eidenberg." 

~FIN~

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon