[MBI-THIRTY-ONE]

17.3K 342 7
                                    

[MBI-THIRTY-ONE]

HAILEY'S POV 

"STOP looking at me like that!" iritado kong sabi. 

Nakakabanas talaga siya! 

"Tinitingnan ko lang kasi kung hanggang saan umaabot iyang sungay mo," sagot niya. 

"How dare you! Kapal mo rin ano! Mas mabuti pang landiin mo na lang 'yong babaeng 'yon kaysa sa ako ang pagdiskitahan mo!" sagot ko. 

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Even if I do liked her, I still won't do that stupid thing. Marunong din naman akong lumugar at rumespeto sa pagmamay-ari na ng iba," Landon said and left me.

I was caught off guard again, at the same time dumbfounded. Bakit ba hindi niya ako magawang intindihin. Masama bang magmahal at maghangad na mahalin ka rin sana ng taong inaasam-asam mong makuha. Matagal akong naghintay. Matagal ko siyang hinintay kaya sa kahit na anumang paraan ay gagawin ko makuha ko lang ang gusto ko. Isa lang ang gusto ko, ang mawala si Kyla sa buhay ko at sa buhay ni Kyran. Kahit pa pigilan ako ni Landon. Napabuntong-hininga ako. Hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa mga ginagawa kong plano, sabagay, nagsisimula pa lang naman ako. Hindi pa nga ako nag-iinit eh. Tumabi naman siya bigla ng upo sa akin. Sino pa nga ba? Edi ang pesti sa buhay ko. Nasa veranda kasi kami ng suite ng hotel. Pagmamay-ari din ito ni Kyran. Napa-cross arms ako. 

"Ang kati naman!" maarte kong sabi. 

"Oo nga eh! May linta kasi akong katabi," sagot niya. 

Napakagat labi ako. 

"What!? Ako ba pinariringgan mo!?" hindi makapaniwalang kong sabi. 

Bakit bigla na lang naging palaban ang babaeng 'to. 

"Bakit? Tinamaan ka ba?" nakataas kilay niyang sagot sa akin. 

Napatayo ako. 

"What the hell are you up to!" galit klng tanong. 

Napatayo din siya. 

"Stop doing shitty things on me! Dahil simula sa araw na ito ay papatulan na kita! So don't you dare tried to provoke me!" she said and walk out. 

What the hell! Buwesit! Mas lalo niya lang akong ginagalit. Humanda ka sa akin Lyka! 

LYKA'S POV

SARAP niya talagang asarin.

"Hi pretty lady," bungad sa akin ni Landon. 

"Hello, nasaan si Kyran?" tanong ko. 

Nasa kusina kasi kami. Pinaghila niya ako ng silya. 

"May kinausap lang," sagot niya. 

Padabog naman na umupo si Hailey sa harap namin ni Landon. 

"Drop that face out of this table Hailey. Manners please?" sita ni Landon sa kanya. 

Inis na inis kasi 'yong itsura niya at ang sama niya kung makatingin sa akin. Mukhang effective nga 'yong ginawa kong pagpatol sa kanya.

"Give me a break Landon!" iritadong sagot ni Hailey. 

Masamang tingin naman ang ipinukol niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Akala mo ha magpapatalo pa ako sa 'yo! Neknek mo! Nagsimula na kaming kumain. Dumating naman bigla si Kyran at umupo sa tabi ko. Tahimik lang kami habang kumakain. Mukhang napipi yata si Landon at Hailey, ang tahimik kasi. Matapos naming kumain ay nagkanya-kanya na kami ng pasok sa mga kuwarto namin. Umuna nang pumasok si Kyran sa kuwarto namin. Si Landon naman, may chikababe daw na ka-date sa lobby. Mukhang naghahanap talaga siya ng ibang paraan para lang maibaling sa iba iyong pagtingin niya sa akin. Ang haba ng buhok ko. Akalain niyo? Dalawang Adones ang mayro'n ako. Pero si Kyran pa rin naman ang nilalaman ng puso ko. 

"Wow? Ang kapal din talaga ng mukha ng mga taong pelingera ano?" bungad ni Hailey sa akin. 

Nasa may sala pa kasi ako. Napaismid ako. 

"Oo nga eh! Lalo na 'yong mga taong habol naman nang habol pero hindi naman sila gusto," sagot ko. 

Mataray ako ngayon.

"Ako ba pinatatamaan mo!" 

Umiling ako at ngumiti. 

"Iyong kaluluwa mo," sagot ko at tumayo na. 

Hinila naman niya bigla ang braso ko. 

"Ang kapal talaga ng mukha mo para kalabanin ako!" madiin niyang sabi. 

Inalis ko ang kamay niya at hinarap siya. 

"Sa pagkakaalam ko kasi? Iyong mga taong desperado lang iyong mga may makakapal ang mukha!" pabalang kong sagot at diretsong pumasok sa loob ng kuwarto namin ni Kyran. 

"Ay kabayo!" mahinang bulalas ko.

Langya! Dapat pala hindi muna ako pumasok. Napalunok ako. Si Kyran kasi parang modelo na pagala-gala sa harapan ko habang nakatapi lang siya ng tuwalya. Tumalikod ako at paakmang lalabas pero...

"What are you standing there?" 

Napatigil ako. Oh shit! Lyka kalma lang. Humarap ako sa kanya. 

"Ha? Wala lang," sagot ko at kunwaring napahalukipkip. 

Umupo ako sa couch at pinaandar 'yong TV. Nate-tense talaga ako ng sobra. Ang lakas din ng kabog ng puso ko. Inhale exhale! Fighting! Tumabi naman bigla si Kyran sa akin kaya pasimple akong umusog. Naman eh! Umiiwas na nga ako 'di ba! 

"Sit properly," sabi niya bigla. 

Sinimangutan ko siya kunwari at padabog na tumayo. 'Wag sana siyang sumunod! Umuna na akong humiga sa kama. Pabaling-baling ako ng higa sa kama. Hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Parang namamahay ako. 

"Stop doing that! I can't sleep!" 

"Ah!" tili ko. 

Walanghiya! Bakit ba nanggugulat siya bigla. Para akong si sadako na gumapang pabalik sa kama. Ang sakit ng likod ko. 

"For christ sake!" gulat na sabi ni Kyran at nahulog sa kama. 

"Haha!" tawa ko ng malakas. 

"Darn Kyla! Are you nuts!" inis na sabi niya sabay bato sa akin ng unan. 

"Haha! Takot ka sa multo?" natatawa kong tanong. 

Binato niya ako ulit ng isa pang unan. 

"I'm not! I just thought na bagay pala sa 'yo 'yang ganyang itsura," sabi niya sabay labas ng dila niya. 

Ah! Ang cute pero...

Ibinato ko pabalik 'yong unan sa kanya at nahiga sa kama sabay talukbong ng kumot. Sa ganda kong ito? Sadako lang ang level? Kapal niya talaga! Grr! Hinila naman niya 'yong kumot. Naghilaan kaming dalawa pero ayokong magpatalo ano! Tumigil siya sa kakahablot at nagtalukbong din ng kumot at...

"Silly, quit playing hard honey, let's get back to sleep," mahina niyang sabi habang nakayakap siya sa akin. 

Ang lakas ng pintig ng puso ko. Kinagat ko 'yong unan at pinipigilang huwag tumili. Kinikilig talaga ako sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. Ito nga siguro 'yong sinasabi nilang Pag-ibig. Puwede po kayong mag-loan diyan o kaya naman housing loan...
Gaga! Ibang Pag-ibig pala 'yon! Haha!

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYOnde histórias criam vida. Descubra agora