[MBI-THIRTY]

17.5K 362 1
                                    

[MBI-THIRTY]

LYKA'S POV

NANG makarating kami sa Airport ay agad kaming sumakay sa isang private plane. Ang yaman talaga ni Kyran. Speaking of eroplano! First time kong sumakay sa ganito kagarang eroplano at pinagpapawisan na naman ang mga kamay ko. Bakit kasi kailangan pa akong sumama.

"Good luck sa Honeymoon," bulong ni Landon nang lumagpas siya sa akin.

Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Ha? Honey? Honeymoon? Oh hindi! Ito na ba 'yong sinasabi niya kaninang umaga. Ito na ba 'yong? End of the Philippines? Shit! Tumabi naman bigla si Kyran sa akin. Kinausap niya pa kasi iyong auto pilot kanina.

"Are you okay? Your knees are trembling," sabi niya.

"Ha? Yeah, okay lang ako," sagot ko.

Huwag naman sana niyang mahalata ang matinding kaba ko. Hinawakan niya naman bigla ang kamay ko. Packing tape! Kinikilig ako.

"Relax, I'm here." Ngumiti lang ako ng pilit.

Ang sarap pala sa feeling iyong may kasama kang nag-aalaga sa 'yo.

"Ugh! Stop doing that! Kyran oh! Landon are annoying me," maarteng sumbong ni Hailey.

Nasa likuran namin sila eh. Ayaw kasi ni Kyran na dito sila sa harap namin umupo.

"Alam mo ikaw? Ang arte mo! Asa ka namang papansinin ka ni pinsan!" Landon retorted.

"Don't mind them," Kyran said.

Nagkibit-balikat na lang ako at sinubukan na matulog. Nakapikit lang ako kasi hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Siguro dala na rin ng sobrang kaba at pressure. Napansin ko namang kinabig ako bigla ni Kyran kaya ang resulta'y nakahiga ako ngayon sa lap niya. Aw! Gusto kong maglupasay sa kilig. Kahit na minsan ay may topak siya, minsan din naman ay sweet siya.

"Stop poking me! Ihuhulog talaga kita dito!" sabi bigla ni Landon.

"Buwesit ka kasi! Dapat doon tayo sa harap ni Kyran dapat naupo eh!" maarteng sagot ni Hailey.

"Tumahimik ka nga! Kakabanas ka rin ano!" galit na sabi ni Ladon.

Sa pag-aaway nilang dalawa, parang matagal na silang magkakilala. Ang pagkakaalam ko lang kasi ay si Hailey at Kyran 'yong magkababata.

"No! Why would I shut up? Mas nakakabanas ka!" pasigaw na sagot ni Hailey.

Ang ingay nilang dalawa. Babangon na sana ako pero bigla namang may inilagay na headset si Kyran sa akin at love song 'yong tugtog. Pasimple kong inalis 'yong isang headset sa tainga ko.

"You two! Shut the fuck up! Or else you want me to drop both of you out of this plane! You're disturbing my wife!" galit at madiin na bulyaw ni Kyran.

Natahimik naman bigla 'yong dalawa kaya pasimple kong ibinalik 'yong headset sa tainga ko ulit. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko. Takot naman pala silang dalawa kay Kyran eh.

FINALLY, nakarating din kami sa Hongkong. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng lugar. Para akong naignorante, first time ko kaya. Mukhang mapapasabak ako sa English nito. Pagkalabas namin ng airport ay sinalubong kami agad ng Limousine. Ang yaman! Sa panaginip ko lang ito minsan nai-imagine. Kung hindi dahil sa pinsan kong si Kyla hanggang ngayon siguro ignorante pa rin ako sa mga ganito. Pinagbuksan kami ng pinto ng driver at inalalayan naman ako ni Kyran papasok sa loob. Papasok na sana si Hailey pero pinigilan siya ng driver at isinirado 'yong pinto. Muntik na akong matawa. Kayo kaya awatin bigla.

"Bakit 'di sila sumabay sa atin?" taka kong tanong kay Kyran.

Magkatabi kasi kaming nakaupo ngayon. Hindi tulad ng dati na magkaharap.

"Because I say so, besides I know you did not sleep well a while ago," sagot niya.

Lihim kong nakagat ang ibaba kong labi. Shit! Bigla akong kinilig sa sinabi niya.

"Why are you smiling?" taka niyang tanong.

"Ha? Wala lang," sagot ko at ibinaling ang tingin ko sa labas.

Smile pa Lyka! Tsk! Masaya lang ako.

"GANDA!" hindi ko mapigiling sambit sa sarili ko.

Isang luxurious at magarang hotel lang naman ang tutuluyan namin ngayon. Manghang-mangha talaga ako sa gandang hotel.

"Kyla, faster," tawag sa akin ni Kyran kaya agad akong lumapit.

May isang foreigner na lalaki ding nakasunod sa amin ni Kyran.

"Sino siya?" pabulong kong tanong.

"My other Butler," matipid niyang sagot.

Pumasok kami agad nang bumukas iyong elevator. May sasabay sana sa amin pero hinarang ng Butler ni Kyran 'yon. Astig! Parang hari si Kyran ah. Napatingin ako sa numerong umaandar. Nalulula ako. 'Wag niyang sabihing sa pinakatuktok kami pupunta. 

"50th floor?!" gulat kong sabi sa sarili ko.

Ang taas! Bumukas naman agad 'yong pinto ng elevator at ang dami nilang sumalubong sa amin. Hinawakan naman ni Kyran bigla ang kamay ko at nagtungo papasok sa isang suite.

"Leave the five maids and the rest, get back to work," sabi ni Kyran.

Makautos siya wagas ah!

"So nice to be in here again!" bungad sa amin ni Landon.

Ilang beses na siguro silang pumunta dito. Hinila naman ako bigla ni Kyran papasok sa isang kuwarto. Parang kuwarto yata namin ito. Diyos ko po! Sana naman mali itong naiisip ko.

"What are you waiting for?" takang tanong sa akin ni Kyran.

Napalunok ako. Puwedeng tumakbo?

"Ahm ha? Bakit ba?" naguguluhan kong tanong.

Ito na ba 'yon? Iyong Honeymoon? Oh hindi!

"You're spacing out," sabi niya sabay hila ng ilong ko. Tinapik ko ang kamay niya.

"Masakit ah!" Angal ko.

"Tsk! Magbihis ka na para makakain na tayo ng dinner," sabi niya.

Ah! Iyon 'yon eh! Akala ko kung ano na. Tumalima ako agad at pumasok sa banyo. Sana naman hindi ako pumalpak sa mga kilos ko. Kailangan kong umaktong sosyal at hindi ignorante. Hay! Buhay nga naman oh.

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon