[MBI-ONE]

40.5K 584 11
  • Dedicated to Mik Celestial
                                    

[MBI-ONE]

LYKA'S POV

Napabuntong-hininga ako habang nakaharap sa kisame.

"Ano kaya magiging itsura ng lalaking pakakasalan ko kung saka-sakali?" nasabi ko sa sarili ko.

Nanatili akong nakatitig lamang sa kisame nang biglang may bumuhos ng tubig sa akin.

"Ah!" tili ko.

"Para magising ka! Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyong gumising ka ng maaga dahil papasok pa sa school ang mga anak ko!"

Ugh! Naririndi na talaga ako sa paulit-ulit na litanya ng aking mabait na stepmother. Bumangon na ako at nagbihis kasi sobrang basa ng damit ko. Buti na lang at isang basong tubig lang ang ibinuhos sa akin dahil kung nagkataong isang balde ng tubig ang ibunuhos niya, dadami na naman ang mga labada ko. 

Napailing na lang ako. Kailan pa kaya siya magbabago. Matapos kong magbihis, iniligpit ko muna ang hinigaan kong banig.

Inis kong inirolyo ang banig na hinigaan ko. Hindi ako isang mayaman at hindi ako anak ng isang maimpluwensyang tao. Simpleng buhay lang mayroon ako. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw kung susunod ako sa lahat ng utos ng madrasta ko. Ang saklap nga naman ng buhay na mayroon ako.

"Lyka! Bakit ba ang kupad-kupad mong kumilos!" sigaw ni Tiyang sa 'kin.

Napakamot na lang ako sa aking ulo. Araw-araw na lang ganito. Minsan nga'y napapadasal na lamang ako na sana naman magbago ang buhay ko.

Kung sana'y hindi lang namatay ang Mama ko sa panganganak sa akin, 'di sanay maayos ang buhay ko ngayon. Maayos naman sana pero biglang naging meserable na ang buhay ko simula nang mag-asawang muli ang Papa ko, at iyon nga ang madrasta ko, si Tiyang Meriam. Pero mas lalo pang naging meserable ang buhay ko noong mamatay si Papa. Kinse anyos lang ako noon no'ng sumakabilang buhay siya at heto nga't naiwan ako kay Tiyang Meriam. Mabait naman ang Tiyang Meriam sa akin noon no'ng nabubuhay pa ang Papa ko pero siguro tama nga siguro ang kasabihang nasa loob ang kulo ng mga taong mapagpanggap.

Gustuhin ko mang bumukod pero hindi ko magawa dahil nga sa may utang na loob ako kay Tiyang Meriam dahil sa pinagtapos niya ako ng pag-aaral sa kursong Hotel and Restaurant Management. Sa edad na bente ay gusto ko nang matutong magsarili at umalis sa poder ng madrasta ko pero sa tuwing ipinamumukha niya sa akin ang lahat ng nagastos niya'y bigla akong napapaurong. 

"Lyka ano ba! Nasaan na 'yong niluluto mong ulam!"

Napatakbo ako agad sa kusina.

"Punyemas na pusa naman oh! Patay ako nito!" bulong ko sa sarili. Nawawala kasi iyong ulam na niluto ko.

"Lyka!" sigaw nitong muli.

"Po!" sigaw ko rin pabalik.

Nasa kabilang kuwarto kasi siya. Napakamot ako sa aking ulo. Ano kayang puwede kong ipampalit sa ulam na ninakaw ng pusa? 

Habang naghahanda ako, isa-isa naman silang umupo. Ang stepmother ko at ang dalawa kong stepbrother. Pumatol ang ama ko sa may sabit at kahit tumutol man ako noon ay wala pa rin akong nagawa.

"Bakit ito 'yong ulam natin!" galit na sigaw sa akin ni Tiyang Meriam.

"Wala na pong ibang ulam sa fridge," sagot ko.

Tumalikod na ako at nagpipigil na tumawa. Tuyo kasi ang na isipan kong ihain sa kanila.

Pumasok na ako ng kuwarto, naligo at nagbihis. Kailangang sa araw na ito ay makahanap na ako ng trabaho. Gusto ko na talaga kasing umalis dito sa poder ng madrasta ko at buong-buo na talaga ang desisyon kong bumukod. Kasi kung 'di ako aalis, mananatili na lang akong TAG. . . Tagaluto, tagalaba, tagalinis at lahat ng TAG sa bahay.

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now