[MBI-FORTY-SIX]

16.1K 298 1
                                    

[MBI-FORTY-SIX]

LYKA'S POV 

GUSTO ko nang sabihin ang totoo pero natatakot ako. Takot akong maiwanan ulit. Mahal na mahal ko si Kyran. Ano ba ang dapat kong gawin? Kanina sa mall, hindi ko alam kung paano ko 'yon pagtatakpan tapos ngayon pa na tumawag si Kyla at binanggit pa ang pangalan ko. Alam kong si Kyla ang tumawag sa akin. Walang lihim na kailanman ay hindi maibubunyag. Kung sasabihin ko ang totoo, ano na ang posibleng mangyayari sa akin? Masasaktan ko si Kyran at hindi ko kakayanin 'yon. Paano na? Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili ko. Bumaba na kasi ang lagnat ko. Matapos kong mag-ayos ay pumuwesto ako sa veranda. Binalingan ko ng tingin si Kyran, mahimbing ang tulog niya.

"Paano ko ba sasabihin sa iyo ang totoo," bulong ko sa sarili ko.

Pinahiran ko ang mga luha ko at lumapit sa kanya.

"Bahala na ang Diyos anuman ang mangyari sa atin Kyran. Mahal na mahal kita."

Dumukwang ako at hinalikan siya sa mga labi niya. Tumabi ako sa kanya at mataman lang siyang pinagmasdan. Sana iyong kuwento ko ay katulad na lang sana ng mga nababasa ko sa fairy tale. Happy ending? Second chance and lastly? Live happily ever after. Pero sa istorya ko? Parang Beauty and the Beast.
ILANG minuto lang ay nagising na si Kyran. Sinapo niya ang noo ko.

"I guess you felt better now. Nagawa mo pang maligo matapos mong lagnatin," natatawa niyang sabi.

Ngumuso lang at sinalubong niya iyon ng halik. Naman eh! Nguso pa more! Haha!

"Ready to go home?"

"Nami-miss ko na anak natin," masayang sabi ko. 

Really? Makaanak ka Lyka, wagas! Aish!

"Me too, Honey."

Niyakap ko lang siya at 'di na umimik pa.
"WELCOME aboard to the Philippines, ladies and gentlemen," announced no'ng flight attendant sa amin.

Agad naman kaming lumabas ng eroplano. Si Landon at Hailey naman ay nakasunod lang din naman sa amin. Napangiwi ako sa nakita ko.

"Pst?" sutsot ko kay Kyran.

Sinimangutan niya naman ako.

"What's with the 'pst?' I have a name, Kyla," iritado niyang sabi.

Hinila ko ang kanang pisngi niya.

"Err! Stop it!" Malakas akong napatawa.

"Tsk! Funny?" sarcastic niyang sabi.

Aw! Galit na ang Kyran ko, cute! Hindi niya na ako pinansin at umuna nang naglakad. Sungit! Binalingan ko na lang si Landon habang kinakaladkad si Hailey.

"Anong drama niyo?" tukoy ko sa kamay nilang nakaposas.

"Nagwawala na naman kasi," pabulong niyang sagot.

"Sus! Drama!" walang gana kong sabi.

"Sundan mo na kaya si pinsan," sabi niya sabay kindat sa akin.

Hala? Nag-e-emote pala 'yon? Dali-dali naman akong naglakad para mahabol ko si Kyran. Grr! Ang sakit talaga sa paa itong heels na suot ko.

"Kyran!" tawag ko.

Ugh! Ang loko, nagbingi-bingihan ba naman!

"Kyran!" tawag ko ulit.

Hindi niya man lang ako nilingon. Tsk! Nakakahiya naman 'to eh! 

"Honey! Sorry na!" sigaw ko.

Hala! Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dito sa airport. Nilingon naman ako ni Kyran at napaismid sa akin. Jesus! Ang choosy! Ibinigay niya ang mga gamit niya kay Jeffrey at lumapit sa akin. Err! Feeling ko, may bumabang adones sa harap ko at parang gusto akong tunawin dahil sa tindi ng kaguwapuhan. Nang makalapit siya ay bigla niya naman akong hinapit sa aking baywang at siniil ng halik.

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon